Mark and direk Neal Tan |
Isa itong si direk Buboy Tan sa mga celebrities na hindi magre-reply sa iyo kapag tinanong mo sila kung puwede bang isulat o i-blog ang mga heroic and "angelic" acts and deeds nila. Sasagot lang siya kapag mga tsikahan na ang usapan. Pero kapag itatanong mo siya kung puwede ba siyang isulat, biglang RED TAPE na ang beauty niya sa amin.
At, mas lalo naman naming hinahangaan ang mga ganitong klase ng celebrities. Kaya sana naman, huwag din silang magtampo sa amin kung sa ayaw at sa gusto nila, hayan, sige pa rin kami sa pagsusulat sa mga good acts nila sa pribado nilang buhay. Pasensya na po, maski ayaw ninyo. Hehehe.
Biruin mo naman ang lahat ng EFFORT ni direk Buboy! Grabe. Dadalawa lang sila sa bahay ng kanyang Forever na si Mark, aba eh, nagagawa pa nilang magluto ng mga putaheng sankaterba para sa mga Frontliners! Hindi birong gawin yan, ha.
Alas-singko pa lang ng umaga, gigising na sina direk Buboy at Mark para mag-jogging sa nearby subdivision streets nila, tapos, dederetso na sila sa community market within their area. At, hanggang alas-siyete lang ng umaga dapat, kasi, kapag alas-siyete na, darating na ang mga bantay at manghuhuli na sa mga taong lumalabas sa umaga. Kay hirap, di ba?
Pero nagawa iyon nina direk Buboy at Mark ng bonggang-bongga!!! Naka-pamalengke na sila and all, tapos magluluto na para sa mga Frontliners.
Kahanga-hanga. Good for more than 50 Frontliners lang naman po ang niluluto nina direk Buboy!!! Oh, my.
At hindi lang 'yan, maka-ilang beses na ring nagbigay ng Ayuda si direk Buboy sa mga Frontliners. Ito ay bilang suporta na rin sa kanila na nagbubuwis ng kanilang mga sariling buhay para sa mga pasyenteng may Covid-19.
MARAMING SALAMAT, DIREK BUBOY "NEAL" TAN, the pioneer of indie film making in the Philippines. Hindi lang sa panlabas ikaw maka-tao, maging sa panloob din.
A BEAUTIFUL SOUL, INSIDE AND OUT. BRAVO!
(sinulat ni robert manuguid silverio)
WITH BONUS PHOTOS OF A YOUNG NEAL 'BUBOY' TAN, at a time when he did his first film (photos courtesy of Neal Tan FB Page).***
PHOTOS WERE NOT CAPTIONED TO CREATE A MORE DRAMATIC FEELING.-***
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento