Kailan ko ba huling nakita ng harap-harapan si Ms. Nora Aunor?
Kailan ko ba huling nadama ang napakalawak niyang Persona at kaluluwa?
Kailan?
Matagal-tagal na rin yata 'yun, nu'ng saglit ko siyang makatabi at makausap sa isang konsiyerto ng The Entertainment Arts & Media press group, na kung saan ay panauhin ang kasing-irog niyang si John Rendez.
Mula noon, lagi ko nang hinahanap-hanap ang presensya niya.
Na alam ko, dapat lang na manatili pa.
Malasap ng mas matagal pa.
Maakap.
Dahil ang presensyang 'yun, makapagdudulot pa rin ng pagasa at pagmamahal
sa mundong kinapapalooban ngayon ng mga agam-agam, sakit at pangamba
dahil sa Covid-19 Pandemic.
Pero salamat, hindi tayo iniwanan sa ere ng nag-iisang Superstar. Salamat at nandiyan pa siya.
Mas lalong umigting ang kanyang pagpapa-alala na nariyan pa siya sa isang MONOVLOG na dula
na likha at sinulat ni Layeta Bucoy at prinisinta ng Tanghalang Pilipino.
Isang kakaibang Acting Monologue ang nasaksihan ng lahat.
Damang-dama mo ang pagka-PERSONAL. Na para bang ikaw mismo ang kinakausap ni Nora
sa harap ng kamera.
Hindi pa rin nawala ang kakaibang tinig na iyon na tumutusok sa iyong puso- at, sa bawat pagsambit
ng mga salita, makaka-relate ka.
Maaalala mo ang mga mahal mo sa buhay, ang mga kaibigan mo, ang mga pangarap mo.
Maiisip mo ang mga panganib na dulot ng Covid-19 at ang mga pag-iingat na dapat mong gawin.
Maging masaya man o malungkot
ang ending ng buhay mo sa panahon ng Pandemic na ito.
Alam mo, may mga iiyak pa rin para sa iyo.
Lalo na ang mga kabataang naghahanap pa rin ng atensyon at mga pagka-linga.
Mga batang pusong wagas at tunay kung magmahal.
HUWAG MO SILANG IIWAN, DAHIL IIYAK PA RIN SILA KAPAG WALA KA NA.
Kaya patuloy ka pa ring lalaban
upang MABUHAY
AT huwag pa ring MAMATAY....
MAGPAKAILANMAN.
(Bravo sa napakagaling at napakagandang acting na ipinamalas ni Ms. Nora Aunor sa Monovlog na ito. Maganda ang pagkakasulat ng maikling dula. Maayos ang biswal na presentasyon at ang Musika, dudurugin ka. Makikita mo na lang, tumutulo na pala ang mga luha mo. Gustong-gusto rin namin ang subtlety ng acting dito ni Noel Comia, Jr. na siya ring orihinal na estilo ni Ms. Nora Aunor sa pag-atake ng pagganap. Ang dalawa pang batang mga babae din ay tamang-tama lang ang mga emosyong ipinakita sa dula o Monovlog na ito. Opo, tunay namang ang karisma ni Nora ay hindi pa rin nawawala. At salamat, hindi niya iyon ipinagmaramot para sa lahat. Mabuhay ka, Nora! At mabuhay ang Tanghalang Pilipino, kasama na ang lahat ng mga Performing Artists sa mundong ito.---RMS***)
Sinulat ni Robert Manuguid Silverio
Video ng Lola Doc sa itaas, courtesy of Tanghalang Pilipino YouTube Account.*
|
ms. nora aunor |
|
noel comia, jr. |
|
ms. layeta bucoy, playwright |
Tanghalang Pilipino in cooperation with Voyage Studios present Lola Doc
Written by Layeta Bucoy
Interpretation by Nora Aunor
With special participation of Elisha Grace Campos, Noel Comia Jr., and Antonette Go
Enhancement and Editing by Chuck Gutierrez
Musical Scoring by TJ Ramos
Sound Design by Wildsound Studios
Visual Special Effects by Jaye Jacinto
When beleaguered by grief and guilt, where do you draw strength to carry on with your sworn duty as a senior frontliner?
Featuring the country’s one and only superstar Nora Aunor, “Lola Doc,” a monovlog by Layeta Bucoy talks about the pains of losing one's husband in the middle of a pandemic, remaining strong for your family, and courageously facing the risk of being stricken by this deadly virus to attend to the sick. Will everything she has sacrificed be worth it?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento