Q & A (Question & Answer) KAY GLENDA GARCIA, ANG AKTRES NA TUMUTULONG SA MGA FRONTLINERS SA PANAHON COVID-19 PANDEMIC

 
living Angel: Glenda!
Glenda and her healthy drink of Vitamin-C.
Glenda with her beloved son, plus two glasses of healthy champagne before meals.
Glenda and her healthy meal diet
The glow in Glenda's eyes could not be hidden as she finished preparing the lunch packs for the Frontliners. Her gentle act of generosity and kindness.
Glenda and the two huge plastic bags of lunch packs, ready to be distributed to the Frontliners.
Glenda and the lunch packs she cooked and prepared as her contribution to the Frontliners
Frontliners ready to eat Glenda's lunch packs. 
Frontliners from East Avenue Medical Hospital holds Glenda's lunch packs for them.
breakfast packs for Frontliners, cooked by Glenda Garcia
merienda packs for Frontliners sponsored and prepared by ms. glenda garcia
glenda and her morning coffee


Tahimik lang si Glenda Garcia, ang aktres na hinangaan namin ng husto sa mga drama shows sa telebisyon, pero sa sarili niyang pamamaraan ay kumikilos siya upang maging kapaki-pakinabang sa kanyang kapwa.
Isa siya sa mga celebrities na naging prominente sa Viral world (lalo na sa kanyang Facebook posts) dahil makikita mo doon ang mga kontribusyon niya "to make this world a better place".
Nariyang palagi mo siyang makikitang nagluluto ng santambak na lunch packs para sa mga Frontliners. At mag-isa lang niyang ginagawa 'yun. Kahanga-hanga talaga 'yung efforts niya para makatulong sa iba.
Nariyang mai-inspire ka rin sa daily schedules ng buhay niya: Magko-coffee muna sa umaga, tapos, mage-exercise, makikipag-bonding online sa pamilya, etcetera.
Sa mga daily meals naman niya, pawang mga healthy meals ang niluluto niya. Kaya mapapagaya ka na gano'n rin ka-healthy ang mga kakainin mo.
Isang magandang SIMBOLO at example sa mga tao. Para sa isang celebrity- mas lalo mo siyang sasambahin dahil tunay namang very positive ang way of lifestyle niya. Simple lang pero productive.
Maski hindi naman namin ini-stalk si Glenda, sadyang nakikita lang namin ang mga FB posts niya kapag nagba-browse na kami sa Home Page ng aming FB. At mas gumagaan ang pakiramdam namin sa tuwing makikita ang mga FB Posts niya. Nakapagdudulot ng positibong epekto sa lahat, eh.
Kaya hayan, talagang kinulit namin si Glenda na sagutin ang ilang mga katanungan sa kanya. Through FB messenger, hindi naman ipinagkait sa amin ni Glenda na sagutin ang mga tanong namin.
Maski ba ayaw na sana ni Glenda na ma-publicize pa sa isang blog site ang mga good deeds niya, hindi lang talaga niya mapa-hindian ang writer na ito.
Isa lang ang masasabi namin kay Glenda: Your goodness and kindness will come back to you a hundred fold. Keep it up and God Bless You!

Heto po sa ibaba ang Q & A namin kay Miss Glenda Garcia:


Robert: Ano ang kakaibang feeling na nadarama mo kapag tumutulong ka sa kapwa mo?

Glenda: "Ever since bata pa lang ako, nakagawian ko ng tumulong sa pamamaraan na kaya at gusto ko. Masaya ako na alam kong may napasaya akong tao".

Robert: Marami ang nakakapansin na very inspiring ang mga FB Posts mo. Saan ka ba kumukuha ng "hugot"?
Glenda: "Nakaugalian ko na na kung wala naman akong post na maganda, hwag na lang akong mag-post. Kung wala rin lang akong sasabihin na maganda hwag na lang akong magsalita. Hindi kasi ako judgmental na tao, lagi kong binibigyan ng benefit of the doubt ang mga bagay- bagay. As much as possible ayokong nakakarinig ng mga negative, kaya di rin ako nagsasalita ng mga negative. Naniniwala ako na kung ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong gawin sa iba. Kung ano ang binigay mo, yun ang babalik sa iyo!"


Robert: Malaking factor ba ang pagiging Cancer survivor mo kung bakit napakaganda ng attitude mo ngayon sa buhay?
Glenda: "Year 2005 pa lang nag-serve na ako sa mga breast cancer patients. Volunteer ako. Di pa ako na-diagnose at that time, sumasama na ako sa mga medical missions sa mga provinces. Siguro mas naging mas mabait at mas matulungin ako dahil grateful ako at pinagaling ako ng Panginoon. Isang way siguro para pasalamatan ang ating Panginoon".

Robert: Bilang isang aktres, ano ang mga suhestiyon mo para maka-recover kaagad ang Entertainment Industry sa mga epekto na dulot ng Covid-19 Pandemic?
Glenda: "Kailangan sumunod tayo sa gobyerno. Kailangan tumulong tayo para labanan itong pandemic. Magdasal, mag-stay sa bahay kung hindi naman kailangang lumabas, tumulong sa pamamaraan na kaya mo. Kailangan nating tanggapin na iba na ngayon hangga't wala pa yung vaccine para sa covid-19 di tayo makakabalik sa normal. Hindi lang ang showbiz industry ang affected lahat tayo, ang trabaho, negosyo at pati mga estidyante kawawa, kasi yung buhay estudyante na nakakasama mo ang mga classmates mo, ngayon iba, online na muna. Kawawa, pero ito ngayon ang reality. Kailangan nating matutong mag-adapt. Kaya sana lahat tayo sumunod para lahat tayo maka-recover."

Robert: Can you share to us your wisdom and inspiring thoughts kapag kinakapitan na ng pagsuko o negative thoughts ang mga tao dahil sa pagkabagot na nadarama?
Glenda: "Huwag nating hayaan na nakawin ng covid 19 ang saya at ganda ng buhay. May Panginoon tayo na nagmamahal sa atin na kailanman hindi tayo pababayaan. There’s always a light at the end of the tunnel. There’s always a rainbow after the storm! Let’s always be hopeful. Let’s all pray harder! We will definitely win our battle against covid 19!"


----- end of interview------

Intro Words and Questions by Robert Manuguid Silverio
Photos Courtesy of Glenda Garcia Facebook Account
Answers by Ms. Glenda Garcia



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...