Humingi muna kami ng permiso kay Ginoong Oliver Oliveros ng Broadwayworld Awards para maisulat itong aming sariling listahan ng BEST CROSSOVER ARTISTS, Ang Best Crossover Artist kasi ay isa sa mga award category sa nasabing online award-giving body. At para sa amin, ang award category na iyon ay napakaganda, pambihira, tunay na nagmamarka sa panlasa ng bawat Filipino entertainment artist. Kaya sa pahintulot ni Mr. Oliveros, naisipan naming gumawa ng aming listahan para sa 20 BEST CROSSOVER FILIPINO FILM ARTIST.
Naalala pa namin, last year, isang manager ng isang magaling na male artist ang gustong-gustong makamtan ang award (ang Best Crossover Artist award nga ng Broadwayworld.Com) na iyon para sa alaga niya. Napaka-prestigious daw kasi, very 'arty' and classy ang dating. At ibang-iba ang dating ng award daw na iyon. Gustong-gusto niya talaga! Kaya lamang, online voting 'yun at very strict ang rules ni Mr. Oliveros, walang palakasan. Maski pumapel pa ang isang kaibigang blogger ni Mr. Oliveros ay sadyang kailangang bumoto para makuha ng manager ang award na iyon para sa kanyang alaga. Ganu'n katindi ang pagnanasa ng mga managers ng mga artists na makuha ang award na iyon para sa mga alaga nila. Maganda kasi, eh.
Anyway, what is a CROSSOVER ARTIST ba? Ito ang mga performing and entertainment artists na nagawang TUMALON sa ibang medium of entertainment. For example, isa kang mainstream artist/actor na nagawang lumundag papuntang Teatro. O kaya, mula ka sa indie films na nagawa namang maka-land sa Maintream showbiz.
Pero itong aming list, ginawa naming GENERALIZED. Hindi pang-artista lang o pang-aktor lang, ika nga. Isinali rin namin sa aming Top 20 list ang ilang mga direktor o iba pang klase ng mga film artists sa aming "Crossover List". Sila 'yung mga nag-TRANSFORM at nagmarka ng matindi. Tipong nag-"out-of-the-box". Matagumpay na nakaalis sa mala-kahon na packaging sa kanila ng kani-kanilang mga managers.
Ang choices po namin ay nagba-VARY. Depende sa aming sariling panlasa. At may explanation naman po kami kung bakit sila ang aming CHOICES.
SO HERE THEY ARE. OUR OWN CHOICES OF 20 BEST CROSSOVER FILIPINO FILM ARTISTS!!!
nora |
1.) NORA AUNOR- 'Yung transformation niya mula sa pagiging isang phenomenal Tawag Ng Tanghalan grand champion patungo sa pagiging isang dakilang aktres ng Philippine Cinema ay kakaiba. Crossover talagang masasabi. At mula sa mainstream showbiz, napatunayan din niyang may "indie spirit" din siya nu'ng gawin niya ang mga pelikulang "Taklub" at "Thy Womb" sa direksyon ni Brillante Mendoza. At kamakailan lang, napatunayan pa niya ng husto na puwedeng-puwedeng pa rin pala siya sa Teatro nu'ng gawin niya ang isang Monovlog para sa Tanghalang Pilipino. For your information, nu'ng 1990's pa lang, sumabak na ang ating Superstar sa mga stageplays sa PETA, mula sa direksyon ng yumaong si Soxy Topacio (R.I.P.)- ang "DH" at "Minsa'y Isang Gamu-Gamo" play adaptations.
2.) JOHNLLOYD CRUZ- Talagang nag-"out-of-the-box" si JohnLloyd sa pelikulang "Ang Babaeng Humayo" na mula sa direksyon ni Lav Diaz. Bagay na bagay ang term na 'Crossover' kasi naka-damit pambabae si JohnLloyd sa kabubuuan ng pelikulang iyon. Malayo sa 'matinee-idol' type o mainstream charms, nagawa ni JohnLloyd na patunayan sa lahat na isa talaga siyang seryosong aktor. Sa pelikulang "Honor Thy Father" naman ni direk Erik Matti, mas matindi din ang pag-crossover niya. Hanep na hanep si JL sa pelikulang iyon. Bravo, JL!
3.) SIGRID ANDREA BERNARDO- Mula sa mundo ng indie films, isang great transformation o crossover din ang nilikha ng babaeng direktora na ito- via the film "Kita-Kita" na naging isang big and surprising box-office hit. Kakaibang klase ang napatunayan ni direk Sigrid sa lahat- na maski hindi pang-mainstream ang mga bida niyang sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez, isang dakilang commercial film with quality and classic touches ang nailikha niya!
4.) MICHAEL PANGILINAN- Sayang na sayang si Michael, talagang mas pinili niya ang mai-stock na lamang sa mundo ng singing, gayung nasa kanya na ang lahat ng qualities para maging isang Best Crossover Artist magmula nu'ng lumabas siya sa dulang "Kanser" ng Gantimpala Theater Foundation, at may isa pa after that na isang musical play din na mula naman sa Tanghalang Pilipino (na kung saan ay sa Cultural Center of the Philippines pa nga itinanghal ang musical play na iyon). Maski hindi nagtuloy ang karera niya sa Teatro at indie films, well, gayunpaman, isinali pa rin namin si Michael sa list na ito at napunta sa Number 4 Top List pa nga, dahil sa tindi ng impact na nagawa niya. Maraming direktor sa teatro at indie films ang nabitin kay Michael. Gustong-gusto talaga siyang kunin ng mga ito. At sobrang panghihinayang din ni direk Joel Lamangan nu'ng hindi matuloy si Michael sa musikal na dulang adapted sa isang classic film- ang "Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag: The Musical". Doon na sana magtutuloy-tuloy ang mahabang transpormasyon ni Michael patungo sa pagiging isang seryosong aktor na may lalim at intensity. Sobra kasi yatang nagmukhang-pera ba ang isang ex- manager niya noon??? Nagtatanong lang po. Sayang talaga, eh!
5.) NOEL COMIA, JR. - Napakaliit pa ni Noel nu'ng lumabas siya sa The Voice Kids 2016. And from thereon, napakalawak na agad ng paglipad at pag-soar ng maliit na si Noel sa mundo ng mga artistikong mga bagay sa mundo ng pelikula, telebisyon at Teatro!!! Nakakamangha talaga. At siya din ang kauna-unahang child actor na nanalo ng Best Actor award sa Cinemalaya. Lubos din siyang sinamba ng karamihan sa pagganap sa papel na Basilio sa "Noli me Tangere, The Opera". A real CROSSOVER film artist!
6.) FANNY TF SERRANO- Tahimik lang si Tita Fanny, pero napakalaki talaga ng nai-contribute niya sa Sining ng pelikula at Teatro. Naaalala pa namin, maliit na bata pa kami ng imbitahin kami ng ninong naming si Orlando R. Nadres (R.I.P.), ang may akda ng dulang "Hanggang Dito Na Lamang At Maraming Salamat". Si Fanny agad ang nag-marka sa amin sa dulang iyon dahil ginampanan niya ang transvestite na kaibigan nu'ng bidang introvert gay naman. Napakagaling ni Tita Fanny sa dulang 'yun so many years ago! Pero nag-transform pa si TF sa pagganap sa mga pelikula at telebisyon. Ang isang dakilang indie film naman na ginawa niya mula sa direksyon ni direk Neal Buboy Tan- ang pelikulang "Tarima", ay masasabing isang modern-day film classic. Sana maipalabas muli ang pelikulang iyon. Imagine, mula sa pagiging isang Make-Up artist, napakalawak ng CROSSOVER na ginawa ni TF sa mundo ng Performing Arts!
7.) CELESTE LEGASPI- Mula sa pagiging isang simple at sikat na veteran singer, nagawa niyang mag-soar higher pa at higit pang mag-crossover nu'ng i-produce niya at pagbidahan ang musikal na dulang "Katy". It was, indeed, one of the greatest crossovers we ever saw in our entire life. Dahil pagkatapos ng dulang "Katy", nag-trendset ng husto ang mundo ng Teatro. Duon kasi higit pang napatunayan ni Celeste ang pagiging dakilang anak ng Sining niya. Lumabas din siya sa pelikulang "Mamang Sorbetero" kasama si Joseph Estrada. Nag-transform din siya doon.
jm |
8.) JUAN MIGUEL DE GUZMAN- He is the finest example of a handsome kid from the theater world who was able to penetrate the mainstream showbiz, magmula nu'ng kontratahin siya ng ABS-CBN channel 2 na maging artist nila. And JM's crossover served as an inspiration to those who followed suit. In case you don't know yet, sa prestihiyosong Dulaang U.P. nagmula si JM.
gian |
9.) GIAN MAGDANGAL- Napaka-low key ng singer-actor na ito ever since, pero gustong-gusto namin siya, Nagsimula siya sa isang talent search ng channel 5 noon at nag-land as among the finalists. From thereon, napunta na siya sa mundo ng Pop singing. Pero kahanga-hanga ang nagawa niyang transformation patungo sa mundo ng Teatro. Marami ang pumuri sa kanya sa mga dulang "Katy" at "Ang Huling El Bimbo, The Musical".
joel |
10.) JOEL LAMANGAN- Grabe ang pagiging isang Crossover film artist ng Master film director na si Joel Lamangan. Yung pag-ta-transform na madalas niyang nagagawa at nakakamtan- mula sa Mainstream patungo sa indie world at mula sa pagiging isang direktor patungo o pa-biyahe-biyahe pabalik-balik sa pagiging isang aktor din ay kahanga-hanga talaga. Gustong-gusto namin siya sa pelikulang "School Service", kung saan ay isang kakaibang karakter ng aktor ang ginampanan niya doon. Isa iyong Cinemalaya film entry a few years back.
joem |
11.) JOEM BASCON- Saludo kay Joem Bascon, dahil tunay na kahanga-hanga ang ginawa niya sa indie film na "Double Twisting, Double Back", isang Cinema One Originals film entry a couple of years back at kung saan ay nanalo siya roon ng Best Actor award sa Famas. If you happened to watch the Director's Cut of the said film, mamamangha ka sa transformation ni Joem sa movie na iyon- na maski nagmula siya sa mainstream field of acting, nagawa niyang maghubad ng todo-todo sa isang indie film. Pambihira ang mga aktor na tulad niya!
carizza |
12.) CARIZZA CORTEZ- Isa pang napaka-low key na aktres ni Carizza, ang anak ng beteranong aktor na si Rez Cortez. Kasi, minamani lang niya ang ruta pabalik-papunta sa indie world, sa teatro at sa mainstream field of acting. Mabili siya sa mga indie films, sa mga TV drama teleseryes portraying character roles, at sa mundo ng teatro. A real crossover artist!
abra |
13.) ABRA- Kakaiba rin ang isang ito. Mula sa pagiging isang sikat na rapper, nagawa niyang mag-transform patungo sa indie film world- via the much-acclaimed Cinemalaya film na "Respeto". Titignan mong mukhang batang maliit si Abra, pero ang pagiging isang Crossover artist niya ay hindi maipagkakaila.
jeffrey |
14.) JEFFREY HIDALGO- Napakaliit pa ni Jeffrey Hidalgo nu'ng mapasama siya sa singing group na Smokey Mountain (na nagkaroon ng viral reunion these days para sa mga musical tributes nila sa Covid-19 Pandemic) and among all the members of the group, si Jeffrey talaga ang tumahak sa landasin ng pagiging isang tunay na Crossover Artist. Nag-direk siya ng indie films, napunta rin sa mundo ng teatro at TV. Kahanga-hanga talaga.
roeder |
15.) ROEDER CAMANAG- Awesome. Ito ang katagang masasambit namin kay Roeder Camanag. isa siyang matinee-idol type of a singer nu'ng una siyang pumasok sa showbiz. Nagkaroon ng mga record albums and many concerts. Pero iniwan iyon ni Roeder at tumawid sa kabilang linya- patungo sa pagiging isang magaling na theater actor and director. Nu'ng mapanood namin siya sa mga dulang "El Filibusterismo" ng Gantimpala, at "Daan Ng Krus" ng Teatro Mensaheros, nai-personify niya sa aming diwa at kamalayan ang isang tunay na kahulugan ng pagiging isang Performing Artist. Si Roeder din ang isa sa mga may-ari ng Artist Playground.
lance |
16.) LANCE RAYMUNDO- Tulad ni Roeder, ganu'n din ang daang tila tinatahak ngayon ni Lance Raymundo. Si Lance kasi, maski nasa mundo ng singing and acting magpasa-hanggang ngayon, ay kay daling mag-crossover papunta naman sa mundo ng indie films at Teatro. Kaya masasabi rin naming isang magaling Crosoover Artist si Lance. Kahanga-hanga siya sa Senakulong "Martir Sa Golgota" ng Tanghalang Sta. Ana.
dulce |
17.) DULCE- Gustong-gusto namin siya sa isang bersyon ng dulang Katy na kung saan ay gumanap siya bilang isang papalaos nang aktres sa entablado. Nagulat talaga kami na puwede rin pala si Dulce sa mundo ng teatro, kasi sobrang umiigting ang imahen niya bilang isang veteran Pop Singing Diva. Ang nagawa ni Dulce ay isang kakaibang crossover talaga!
ricky |
18.) RICKY DAVAO- Isang prominenteng theater actor muna si Ricky Davao bago siya naging isang film actor. Hindi namin siya malilimutan sa dulang "Bent" ni Anton Juan nu'ng kabataan niya, at naghubad pa siya ng todo-todo sa dulang iyon. Naging campus hearthrob din siya sa San Sebastian College. Pero magmula nu'ng mabigyan siya ng yumaong direktor na si Maryo J. delos Reyes (R.I.P.) ng breaks sa pelikula, nagtuloy-tuloy na ang pagiging isang beteranong film actor niya. Tunay na magaling na crossover artist din siya.
richard |
19.) RICHARD QUAN- Isa ring matinee-idol type si Richard Quan nu'ng kabataan niya at nadiskubre siya sa isang pelikulang dinerehe ni Carlos Siguion-Reyna na pinagbidahan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta. Magmula nuon, kinontrata siya sa Viva Films at tumalon din siya sa mundo ng indie films soon after that. Nagka-character roles din sa mga TV drama teleseryes magpasa-hanggang ngayon. Kaya naman, tunay din siyang crossover artist. Pero ang hindi nalalaman ng lahat, napasabak din pala si Richard sa mundo ng teatro. May mga ginawa siyang stageplays sa PETA, at isa na rito ang remake version ng klasikong dulang "Hanggang Dito Na Lamang at Maraming Salamat" sa papel nu'ng binatang naging object of desire ng isang matandang gay introvert.
sue |
20.) And last but not the least is, SUE RAMIREZ- Yes po, tunay kaming pinahanga ni Sue Ramirez sa pagiging crossover artist niya, na pinatunayan niya via the film "Cuddle Weather". Imagine, mula sa isang very wholesome mainstream artist ng Abs-Cbn channel 2 ay naging very daring naman siya sa pelikulang "Cuddle Weather"! What a great crossover, di ba? May isang eksena pa sa pelikulang iyon na hindi mo talaga masasabing mainstream dahil indie na indie talaga ang formula-, at 'yun ang eksenang nakahiga siya at nakahubad at tapos, puno ng pagkain ang katawan niya all over her naked body! Oh. my. Magagawa ba iyan ng isang ordinaryong mainstream actress, aber? Kaya bravo, Sue Ramirez!
**************** ************** **************
SO THERE. IYAN PO ANG AMING LIST OF "20 BEST CROSSOVER FILIPINO FILM ARTISTS". SANA SA PANAHON NA ITO NG COVID-19 PANDEMIC AY MAGSILBING INSPIRASYON SILANG LAHAT SA MGA ASPIRING FILM ARTISTS. Sabi nga nila, kapag ang isang bagay ay pinipigilan mong lumabas, lalong magwawala, lalong maiipit ang "creative juices" nila. Kaya tiyak niya, after this Pandemic, sobrang marami sa ating film artists ang mas gagaling pa at mas magmamarka. Mabuhay kayo!!!!
COMPILED AND WRITTEN BY ROBERT MANUGUID SILVERIO
(Photo credits belongs to the real owners of the pictures above, as we Googled them on the net. Thank you.---rms*)
video above, courtesy of #tugtog tulong para sa bayan by Agsunta band, as posted on Youtube.Com. Thank you.---***
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento