SI MS. LOVELY RIVERO AT ANG "PLUMPY SUP RUSF" (A FIRST PERSON ACCOUNT)


ACTRESS LOVELY RIVERO HELPS IN DISTRIBUTING PLUMPY SUP RUSF
MS. LOVELY, BEAUTY INSIDE AND OUT
A BOXFUL OF PLUMPY SUP RUSF, READY FOR DELIVERY




"SI MS. LOVELY RIVERO AT ANG PLUMPY SUP RUSF (A FIRST PERSON ACCOUNT)"


Para akong kumain ng kumain ng isang masarap na Peanut Butter na may after taste na Chocolate. Iyan ang naramdaman ko at nalasahan nu'ng papakin ko ng papakin ang PLUMPY SUP RUSF, isang masarap na food supplement na kung saan, ay nabiyayaan kami ng isang malaking kahon bilang Ayuda, sa kagandahang-loob ni Ms. Lovely Rivero.

Dahil sobrang dami nu'ng Plumpy Sup Rusf na iyon sa loob ng kahon, naisipan naming hati-hatiin iyon sa tatlong grupo. Una, sa friends, neighbors and family members ko, pangalawa, sa members TEAM (The Entertainment Arts Meadia) press group, and thirdly, sa mga mahihirap naming ka-Barangay.

Nu'ng ipakain namin ang Plumpy Sup Rusf na iyon sa anim na bata na neighbors namin (mga anak ng mga borders ng isang neighbor namin), nagulat kami! Dahil pagkabigay pa lang namin sa mga batang iyon, wala pang ten minutes ay naubos na agad nila! Nilantakan nila to the max! So it means, pambata ang pagkain. Para sa mga batang medyo gutom. Talagang sunod-sunod ang pagyunga nila. Inobserbahan kasi namin.

Nu'ng kainin naman ng matatanda ang Plumpy Sup, medyo mabagal naman at ninanamnam pa nila. Ginawa pang palaman sa tinapay ng tiyahin kong Senior na ang edad. Pero nagustuhan din nila.

Sa panahon ng krisis, tulad ngayong may Global Pandemic pa na dulot ng Covid-19, ang Plumpy Sup ang magandang ipamigay sa mga bata at mahihirap. Isa itong food supplement na masarap talaga, ka-enjoy-enjoy kainin.

Although this food supplement was designed for Malnutrition or malnourished children, puwede rin siyang gawing delicacy, bread filling, snack and also, an alternative food sa mga nagda-diet or figure-conscious people.

This is a FIRST-HAND ACCOUNT. Hindi po kami nambobola sa masarap na lasa at pagkain na tulad ng PLUMPY SUP RUSF. Heto po ang mga nutritional effects ng Plumpy Sup:
"PLUMPY's SUP (RUSF)
Ready-to-use Supplementary Food (RUSF) - Lipid-based Nutrient Supplement Large Quantity (LNS-LQ)

100 g individual sachet [540 kcal]

About 75 kcal / kg / day during 2 months
→ 1 sachet / day / person."

Maraming salamat sa iyo, Miss Lovely Rivero sa pagka-discover namin sa PLUMPY SUP RUSF. Sa aming kaalaman, isa ito sa mga nadi-distribute ni Ms. Lovely, alongside with other many kinds of goods and food essentials sa mga food delivery nila and relief operations. Lalo na sa mga ospital, kailangan ang pagkain na ito.

Bukod sa mga relief operations and other charity works ni Lovely Rivero, ang aktres na hinahangaan ng karamihan dahil sa malinis at simple niyang imahen, kadalasan ay nagluluto din si Lovely ng mga pagkain para sa mga Frontliners natin. Kaya sobrang kay dami na talagang natulungan ni Lovely.

Saludo kami sa iyo, Ms Lovely!

At tunay ka, it's high time na matuklasan na ng mga tao ang PLUMPY SUP RUSF. Go!


PAHABOL: Malaking pasasalamat at utang na loob ni Lovely Rivero II kina: Asec Janneth Ong, Chairman Eduardo Francisco, Lion’s Club International, Dr. Robert & Gov. Marissa Sy and the One Marikina MRRD NEC group, Tala Vera, Ms. Kate Brios, Ms. Alma Concepcion at Art Halili Jr.- dahil sa tiwalang binigay nila sa kanya na mag-distribute ng kanilang Plumpy Sup RUSF at iba pang mga supplements.***



(sinulat ni robert manuguid silverio)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...