PANGAKO




"PANGAKO...

HINDI KITA IIWAN...

SA ANUMANG LABAN MO SA BUHAY,

HINDI KITA PABABAYAAN,

BASTA, HUWAG KA LANG IIYAK,

DAHIL KAPAG UMIIYAK KA, MAS HIGIT AKONG NASASAKTAN.

AKO ANG MAGPAPAHID SA MGA LUHA MO.

DAHIL ANUMAN ANG SABIHIN NILA LABAN SA IYO,

MAY ISA PA RING MANINIWALA SA IYO.

AKO.

DAHIL KASAMA KITA, PALAGI.

AT NAKITA KO ANG LAHAT.

KAYA NAMAN, LALO KITANG POPROTEKTAHAN.


HUWAG KANG MAG-ALALA...

ANUMAN ANG DESISYON MO,

SASAMAHAN KITA...



MAGPAKAILANMAN.


PANGAKO."






isang araw, sa piling ng 4-S PAMILYA, nanumbalik ang tunay na Musikang Pilipino sa puso at damdamin ng isang nilalang...

TESSIE LAGMAN-BALBOA: a legacy of old Filipino songs

4S PAMILYA MEMBERS (INCOMPLETE) AFTER A GIG



THE 4S PAMILYA MEMBERS!!!




THE HANDSOME MEN OF 4S PAMILYA: REYMOND, RAFAEL & KARL ANGELO
malapit nang husgahan ang lecon sa likod.

THE COMPLETE MEMBERS OF 4S PAMILYA




Isang maaliwalas na Sabado ng umaga iyon sa simple pero maayos na tahanan ni Tessie Lagman-Balboa sa may Pilar Village, Las Pinas. Maaliwalas at maliwanag ang sikat ng araw sa may labas, at maski mainit, kumikinang naman ang magagandang ng buhay at ang mga masasayang aktibidades ng SUMMER OF 2018. 

Kasing-tindi ng init ng Summer of 2018 na ito, ay ang magandang pagtanggap ni Mam Tessie, kasama ang iba pang miyembro ng 4-S Pamilya sa isang blogger na kaibigan nila. Tunay namang nakakataba ng puso.

Sa araw na iyon, isang espesyal na okasyon kasi ang magaganap. Bale ika-apat na konsiyerto iyon ng 4-S Pamilya at sa pagkakataong ito, sa mismong lugar ni Tita Tessie Lagman sila magko-konsiyerto- dahil ipinagdiriwang ng Pilar Village sa araw na iyon ang unang Family Day nila. Sa gabi, magaganap naman ang mga awitan sa konsiyerto nila't selebrasyon.

Isang masaganang tanghalian ang naganap sa umpisa. Kay sasarap ng mga pagkaing inihanda ni Tita Tessie,- Lechon, Pancit, Lumbiang Ubod, Pritong Bangus, Dinuguan, Menudo, at marami pang iba. Tunay namang nakakabusog at kay sasarap.

Kuwentuhan-bonding pagkatapos. Nagpa-brew pa ng coffee si Tita Tessie para sa lahat. Kay dami mong matutunan na words of wisdom sa mga beteranong singers na kasama sa 4S Pamilya na tulad nina Ray Lucero, Corazon Garcia, Dolly Favorito at Rafael Centenera. Bawat katagang sabihin nila, nanamnamin mo talaga because they talk out of their own experiences, humility and truthfulness. Sila ang mga haligi ng Sining sa mundo at Industriya ng Musikang Pilipino.

"Nu'ng panahon nina Imelda Marcos, umusbong at sumikat ng husto ang Musikang Pilipino!", sabi pa ni Rafael Centenera na naging isang Matinee idol kasabayan nina Anthony Castelo at Florante nu'ng mga panahon na iyon. "Kasi, ipinaglaban ni Imelda na bawat isang oras, limang awiting Pilipino ang dapat na pinatutugtog sa radyo. Kaya naging popular sa bawat kabataan nuon ang mga awiting Pinoy. naging aware sila. Ngayon, hindi na ganyan, puro English songs na ang madidinig mo. Nakakalungkot kung iisipin."

Naisip pa nu'ng isang nilalang na bisita nila, buti na lamang at may isang Tessie Lagman pa na lumalaban para sa mga tunay na awiting Pilipino- makaluma man, pero ito ang tunay na diwa at kultura ng isang Pilipino. Ito ang kaluluwa, ito ang puso.

Sa radio program ni Tita Tessie sa DWBL, na mapapakinggan tuwing Linggo, sa ganap na alas-onse ng umaga hanggang ala-dose y media, doon ay maririnig mo ang mga Kundiman Songs na inaawit ng bawat miyembro ng 4S Pamilya. Kay sarap-sarap pakinggan. Bumabalik ang pagka-Pilipino mo. Lalo na kapag sabay-sabay na silang nagkantahan- napakasaya sa pakiramdam.

Maya-maya pa, pagkatapos ng kapehan, ngitian, piktyuran, at iba pa, nag-aya na si Tita Tessie na mag-praktis. Umayos na ang lahat para magsipag-awitan. At sa muli, narinig ng isang nilalang ang tila-bagang tinig ng mga anghel na nagsisipag-awitan. Napakaganda ng tunog, umaalingawngaw sa walang hanggan.

At sa muli rin, nanumbalik ang puso ng isang Pilipino dahil sa mga awitin na yaon. Nawala ang mga problema ng isang nilalang- tila ata tinangay siya sa Paraiso. Mga awiting tulad ng Rosas Pandan, Basta't Mahal Kita, Ikaw Lang Ang Mamahalin, Lawiswis Kawayan, Dahil Sa 'Yo, at iba pa.

Pero ayon pa kay Tita Tessie: "Hindi lang naman puro Kundiman songs ang kinakanta namin", anya. "May mga tinatawag ding folk songs, novelty, balitaw, at marami pang iba. Basta old Filipino songs na genuine at nagre-reflect sa tunay na kulturang Pilipino."

Perpekto ang pagsasama-sama ng mga tinig ng mga 4S Pamilya members na sina Ray Lucero (ang nirerespetong singer sa Mabuhay singers mula pa nuong Dekada '70), Dolly Favorito (na sumikat kasama nina Nora Aunor nuon sa radio program ni Eddie Ilagan), Hazel Mae Usaris (isa sa pinaka-batang member ng group), Rafael Centenera (isang matinee idol nu'ng '70's), Corazon Garcia (mula sa Eskuwelahang Munti), Reymond Agbada (ang bagong Elvis Presley of the Philippines), Tony Suvega (ang psychic at Feng Shui expert na magaling din na singer), Cenen Garcia (ang laging nagko-cover sa 4S Pamilya sa Facebook Live) Karl Angelo Sipat (the handsome boy & newest member), Sammy Rascal (na 10 years pa lamang ay naging baby na ng 4s Pamilya) at si Ver Dayap (isa rin sa pinaka-beteranong singer ng 4S Pamilya)... 

Ang mga gitarista namang sina Eddie Suarez at Nick Corong ay walang kupas. Akmang-akma ang kanilang pag-gitara sa bawat tinig ng mga miyembro. Iba na talaga ang mga beteranong gitarista!

Nariyan din ang mga 'loyalists' ng 4S Pamilya na sina Ms. Nancy Sipat, Pitimini, Kagawad Jose Joy Pasco at Josie Joaquin. Kasama pa ang daughter ni Tessie Lagman na si Jing Balboa-Almirez, naku naman, kumpleto na talaga!


*******************


"SINO NGA BA TAYO?", minsan ay naitanong iyon ng isang blogger sa kanyang sarili at sa mga kabataang tinuturuan niya sa isang Acting Workshop. Akala nu'ng blogger, walang makakasagot sa katanungan niya. Pero may isang estudyanteng tumayo at nagsalita ng ganito: "Tayo po ay Pilipino. Pero pilit nating ipinagkakaila iyon sa ating mga sarili!"

Tama 'yung estudyante. Pilipino tayo. Gaano man kalayo ang ating mga naging lakbayin, o anumang pagbabago ang maganap sa mga sarili natin- uuwi pa rin tayo at babalik sa tunay na pinagmulan natin-

ang maging isang PILIPINO-


Magpakailanman.



SALAMAT, 4S PAMILYA DAHIL IBINALIK NINYO ANG TUNAY NA DIWA NG MUSIKANG PILIPINO!




(sinulat ni robert manuguid silverio)

PHOTOS COURTESY OF MS. NANCY SIPAT
MS. NANCY SIPAT AND SON KARL ANGELO

"hindi porke't dark ang music ko, eh, evil na!"--- aklas

aklas with two pretty women- mary seng and kali alaia in one event function

aklas, blogger robert, shanti dope and a beat boxer (photo credits: HOMER OCLARES)

aklas: true music artist

aklas with friends like shanti dope

aklas in a flip top battle versus loonie

aklas: dark but not evil



Sa totoo lang, nu'ng mapakinggan namin ang awitin ni AKLAS  na may pinamagatang Panaginip ng Alikabok, nangilabot kami sa ganda nu'ng awitin. Kakaiba sa aming pandinig. Dark nga ang theme, pero pagkatapos naming mapakinggang maige yung kanta, gumaan naman ang feeling namin. Sinundan pa 'yun ng isa pang kanta niya- ang Bangungot- aba, gandang-ganda rin kami sa beat! Kakaiba. Na-curious kasi kaming pakinggan ang mga awiting ito dahil sinabi mismo sa amin ni Aklas na pakinggan namin ang mga kanta niyang iyon sa Youtube.Com. At hindi naman kami nagsisi.

Minsan, nakapanayam namin si Aklas sa hindi inaasahang pangyayari. Siya 'yung tipo ng isang artist na NAPAKABAIT in person, napaka-warm and friendly, pero natural na natural. Maganda ang P.R. niya sa media pipol at lagi lamang siyang nakangiti. Isang magandang aspeto sa kanyang pagkatao na kinalugdan maige ng isang blogger.

"Actually galing muna ako sa isang banda bago ako pumasok as a solo artist", bungad na wika ni Aklas sa isang blogger. "Mga taong 2003 to 2008 'yun. Pero na-disband yung banda namin soon after kaya napag-isipan ko, mag-solo na lang ako."

Pero ang pagpasok ni Aklas sa mundo ng rap at fliptop ay pawang mga aksidente lamang.

"Gig lang iyon ng isang friend ko", sabi ni Aklas. "Nu'ng una Poetry lang, walang beat. Until later on, natuklasan ko ang melody at ang rhythm. From thereon, mas lumalim na ang pagiging isang musical artist ko."

Ilan sa mga unang nilikhang mga awitin ni Aklas ay ang Panaginip ng Alikabok, Kalaban, Bangungot, at marami pang iba. Madalas din siyang sumali sa mga FlipTop battles na mga gigs. Yung mga Makatang nagde-debate sa stage- 'yun ang tinatawag na Flip Top Battles. 

"Malakas po ang audience ng Flip Top Battles, na-overtake na ang mga banda", sabi ni Aklas, who is Philip Ching in real life. "Mas dinudumog kami ng mga tao sa Flip Top."

Nakapag-tour na sa Eastern Visayas at Palawan si Aklas dahil sa kanyang galing sa pagkanta at pag-rap. 

"Pero minsan, nagpunta ako sa Bulacan, tinaboy ako!", kuwento ni Aklas. "Nasa ibang lugar pala ang napuntahan ko. Hindi nila gusto duon ang rap at Flip Top artists. Mga lumang Makata pa rin ang gusto nila doon, I mean to say, yung mga traditional na Makata tulad ng Balagtasan."

Aklas describes his music as: "Experimental, dark, pero hindi rin naman evil music", anya pa.

Korek naman si Aklas du'n. Hindi porke't dark ang music niya ay evil na, no? 

"Basta ang mahalaga, ang mensahe ng mga kanta ko", pagtatapos na wika ni Aklas. "Pakinggan inyo maige, may sinasabi ako. May malalim na kahulugan. Tulad din ng isang Makatang tumatawag ng kakaibang pansin."

Oo nga, Aklas.



(sinulat ni robert silverio)


shanti dope: one person who loves peace...

SHANTI DOPE WITH FELLOW RAP ARTISTS

shanti dope and the bronx

kids off the block and shanti dope

shanti dope with an elder rapper



Meeting Shanti Dope in person was somehow challenging and intriguing. He was not the typical friendly guy who's out please and charm you. He's got his own style of mystery, depth and sincerity. Not the ordinary young, teen-looking guy who looked naughty enough- but there's something more that you could see.

He could be snobbish at times, too. But it further challenged you to try to get his attention. You called him and made a sign to approach you. But he said no. What a real challenging guy.

Yet, finally, he sat beside you. Shook your hand. And the rest was HISTORY.

What's in a name called SHANTI DOPE?

"Dope is what my friends call me- 'yun ang bansag nila sa akin", Shanti Dope told a blogger at the start of an interview. "Mga friends ko naglagay ng pangalan na 'yun sa akin. And I don't care what it meant. While 'yung name na Shanti, it's meaning is PEACE. Because I am one person who loves peace."

Shanti Dope admits that his music was an influence of his artist-friends in the industry. These very people were the ones who shaped his art, his poems and his music.

"Mga kaibigan ko ding local artists ang nag-inspire sa akin", Shanti Dope continued saying. "They supported me all-throughout. And they also gave their guidance. The likes of Gloc 9 and Andrew E.- sila ang mga friends ko. Pero sa music ko, I would admit, malaki ang influence nina Francis M., Stick Figgas and others pa."

Shanti describes himself as "moody". 

"I write music depending on my mood", Shanti said again. "And most of the times, with those personal experiences that I had in my life. Yung song ko na 'Nadarang', istorya 'yun ng mga friends ko sa isang kuwentuhan session. Na-inspire akong gawin na song. But I never knew, 'yun pala ang magiging number one for sometime sa Spotify.."

Shanti told a blogger that expressing what's within him was worth it all.

"Yung saloobin ko, nailalabas ko through my music", he said. "I wanna show to the world the struggles of poor artists. How they cope-up and preserve their artistry- thru their written music."

Shanti Dope is under Universal Records. He now has had 2 EP albums- the Shanti Dope EP and the Materyal EP album.

"Rap music will stay", Shanti said at the end. "As long as there are modern-day poets like us who continue to fight for it... forever."

Very well said, Shanti Dope.



blogger robert with shanti dope (PHOTO CREDITS: HOMER OCLARES)
(as written by robert manuguid silverio).*
photos taken from shanti dope's FB PHOTOS



shanti dope and a female friend

awesome shanti dope




a blogger's story about ANGELO FALCONI SALON PROFESSIONALS....





mr. falconi with a V.I.P. female client



YOU CAN REACH US AT THE FOLLOWING BRANCHES:
Main Branch, Shell Gas Station, Alabang Zapote Rd., Almanza Uno, Las Piñas City:
805.13.96 / 0917.701.96.69


URCI Bldg. 21-C5, Alabang-Zapote Road, Pamplona, Las Pinas City

RFC Molino Branch, 2nd floor, RFC Molino Mall, Cavite City

V-Central Molino Mall, 2nd floor, V-Central Molino Mall, Cavite City


(BONUS ADDED FEATURE BELOW):

A BLOGGER'S STORY ABOUT HIS EXPERIENCE AT ANGELO FALCONI SALON PROFESSIONALS:



blogger robert with mr. angelo falconi
"Mamayang hapon, magpapagupet na ako ng buhok kase sobra na ako naiinitan. pero sobra din akong nagdadalawang-isip. kase, more than 5 people na ang pumuri sa napakagandang kulay daw ng buhok ko. para daw ginto kapag naiilawan, kumikinang. sa mga showbiz events, dami talaga ang nakakapuna. isa na diyan ang barakong si Fernan Sucalit na tila na-attract talaga sa hair ko at sinabing: "sino ang nagkulay ng buhok mo? ang ganda!"... ngumiti na lang ako na parang ngiti ni maja salvador, sabay sabing: "It's no less than Angelo Falconi III who colored my hair personally". lalong nanlaki mga mata ni fernan at halos halikan ako dahil gustong-gusto ang kulay ng buhok ko. naganap yun sa JETZ CAFE , habang kainuman namen si Vince Tanada... sumunod naman after a week ay ang businesswoman na si Romualdo Delos Reyes nu'ng um-attend kame sa concert ni Kakai Bautista, kasama si direk frannie zamora Ariel Francisco. habang umuupo kami sa loob ng music museum at biglang nadaanan ng spotlight ang hair ko, naloka si kumareng Romualdo Delos Reyes. sey niya: "Halatang mamahalin ang pampakulay na ginamit, Robert! sosyal na sosyal tignan. kapag nailawan, para kang sex goddess!" O, di ba? Iba talaga ang gawa ng ANGELO FALCONI SALON PROFESSIONALS. Hindi ka-cheapan ang kulay at pang-Hollywood ang effect. Hindi lang sina fernan at romualdo ang pumuri, actually, pati mga artistang iniinterbyu ko, panay ang tingin sa hair ko. it added a new glamour daw sa personality ko.kaya never akong napapagod kakapunta kay Angelo Falconi III para magpakulay lang, maski ba sa shell almanza, alabang-zapote road pa ang branch ng salon niyang pinupuntahan ko- eh taga-Antipolo pa ako. kase naman, gamay na gamay na ni angelo ang buhok ko. laging pinupuri ng mga artista.hay naku, iiyak siguro ako mamaya kapag nagpapagupit na. after 2 weeks, pag medio humaba na, go ako ule kay angelo para magpakulay!!!
THE BEST KA SA LAHAT NG HAIRDRESSERS, MR. FALCONI."


angelo with a pretty client

tessie lagman and ray lucero, magko-concert kasama ang iba pa sa Pilar Village Family Day....






tessie lagman-balboa: the original jukebox queen and radio icon



Isang tulog na lang! Its a date everyone!!! Tara na at makisaya sa Pilar Village Family Day,  bukas, April 14.  Sisimulan ng 6 a.m. free Zumba, then, opening ng Bazaar, 9am. Pagkatapos nu'n, Presidents Cup Basketball Tourney at pagdating nga gabi,- ang Isang Gabi ng Pasasalamat Free Concert para sa lahat...Tara na at makisaya tayo. Bukas na yan!

Dalawa sa mga haligi ng 4S Barkada, ang 70's Queen of Love Songs na walang iba kundi si Ms. Tessie Lagman-Balboa at ang 'The Legend' sa grupo ng Mabuhay Singers na walang iba kundi si Ms. Ray Lucero Cabailo, kasama ang kanilang 4S Barkada,- ang siyang magiging tampok sa isang natatanging concert kinagabihan. Kasama pa ang ilan sa mga nanalo sa Metro Voice at ang nag- iisang si Anthony Rosaldo, kasama pa ang tinaguriang Yoyoy Villame of Cavite City voice-like...Live po 'yan sa Pilar Village Family Day,  7 p.m. Free Concert natin sa PVHAI area ...Tara, kitakits po tayo! Its a date po... bukas, April 14.

lance raymundo on showbiz controversies: "i don't handle it at all because it dies naturally"....

lance: "showbiz controversies dies naturally..."


Actor-singer Lance Raymundo is no exemption to the word 'controversy'. He had his own shares of little controversies in the past, but it all died naturally. And being one among the many celebrities who loves being with the press and media people, Lance never bore any bad sentiments with them. On the contrary, he continued to have good dealings with them.

"You see, I don't handle it at all", Lance at first reacted to one blogger's question about him having those little showbiz controversies in the past. "Hindi ko sila pinansin. Because the more you react, the more people would think they're true. So, you can never undo those controversies.

"It dies naturally naman, eh", Lance continued to say while he ate a veggie diet at a certain restaurant. "I must admit, I had some really terrible controversies before, and at one time, became a hot item in very scandalous blind item written by gossip writer and columnist. But there's no effect to me. I just let it go."

Just recently, a network-based web site re-published an article about him wherein he was quoted there as saying: "I saw God". A lot of negative comments and many viral bashes came-in-, the worst was that one saying: 'He was high on drugs that's why he saw God!'.

"Ha-ha! I simply laughed it off", Lance said. "You see, I got to see more the positive side of the publicity and the good intentions of that network-based web site in republishing an old article of mine. They meant good. Only some people would criticize the words you say."

Some members of his press-friends would also fight among each other just to get Lance's attention. With this kind of situation, how does he react?

"The only way I could stop them fighting among each other because of me is not to ignite more fire among them", Lance diligently answered. "Hindi ko ginagatungan 'yung away nila. Hindi ko na pinararating sa bawat isa kanila ang sinasabi nu'ng isa kay ganito, or whatever. Because it's part of my thankfulness that they all supported me naman in my career as an actor-singer. I am just being calm about it. Unlike with other celebrities, it would be an ego-boosting for them that writers and media people fight because of them. For me, it's not. I don't add more fire on that situation."

Right now, Lance could not go out of town for a summer vacation because anytime soon, projects may appear. Viva Artist Agency, the company that handles Lance's career now, always tells him to standby. That's why this year, there's no 'vacation grandeur' for Lance.

"And a new TV offer is awaiting", Lance quipped. "That one I am pretty excited about. Anytime now, it may sneak-in."

Looking further at Lance as the interview ended, one blogger noticed again a much rejuvenated and muscular Lance. His handsomeness never ceases, and his kindness never stops.

Walk on, Mr. Lance Raymundo.



(written by robert manuguid silverio)
PHOTOS BELOW & ABOVE, COURTESY OF MR. LANCE RAYMUNDO










RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...