rehearsal review para sa "bonifacio: isang sarsuwela": SA DAGAT NG KATOTOHANAN





Pasensya na po kung personal na naman ang atake ng paglalahad ko para sa nasaksihan kong rehearsal-performance ng dulang Bonifacio: Isang Sarsuwela. Dangan kasi, nananalaytay pa rin sa aking dugo-, ang dugo ng karukhaan at dugo ng pagiging mapagkumbaba. Dugo ng aking mga ninunong ipinanganak ring tulad ko sa Tondo, Manila. Dugo ng mga mangingisda sa dagat ng Maynila. Dugong hindi ko maipagkakailang kinabilangan ko. ANG DUGO NG MAHIHIRAP.

Habang pinapanood ko ang napaka-makapangyarihang pagsisipag-ganap kahapon (Oktubre a-treinta, 2016) ng mga Stagers para sa final rehearsal nila sa dulang Bonifacio: Isang Sarsuwela, tila yata napakaraming karayom na tumusok sa aking dibdib at sa puso ko. Napakakirot, damang-dama ko. At nanumbalik ang mga ala-alang sadyang nanatili sa likod ng aking utak. Mga ala-ala ng kamusmusan na hindi nawala sa diwa't damdamin ko. Ang mga ala-alang iyon ang nagpatibay sa aking pagiging isang tunay na Pilipino.

Isa sa mga ala-alang iyon ay ang katiwasayan ng mga alon ng dagat, habang naka-kandong ako sa mga bisig ng Kuya Pilo ko, ang pinakamatanda kong pinsan na nagpasyal sa akin sa gitna ng dagat, kasama ang mga tiyuhin ko, nuong ako'y tatlong taong gulang pa naman. Ang dagat na iyon ay malapit sa Tondo- sa dagat ng Baseco sa may Tondo na kung tawagin nila noon ay "kabilang ibayo". At kami naman noon ay nanirahan sa may F. Varona St., sa Tondo, Maynila.

Nakatitig lamang ako noon sa dagat at hindi ako natakot dahil kapiling ko ang mga malalakas kong kamag-anak na pawang mga mangingisda. Nuon pa lamang, alam ko nang sa mapagkumbaba mga tao ako nabibilang- tulad ng bayaning si ANDRES BONIFACIO, na sa Tondo, Maynila rin ipinanganak.

Opo, ako ay isinilang sa Tondo. At sa Sto. Nino de Tondo church ako na-baptismuhan. Tulad din ng iba pang mga bayaning sina Emilio Jacinto, Rafael Palman, ang ina ni Dr. Jose Rizal na si Teodora Realonda Rizal, at marami pang iba. Kasama na rito ang karamihan sa mga Katipunerong lumaban noon para mapaalis ang mga Kastila sa Inang Bayan. Mga bayaning isinilang sa isang mahirap na lugar. Mga bayaning inalipusta, pinatay, binale-wala. Mga bayani sa Tondo, Maynila.

Kaya naman habang pinapanood ko ang rehearsal ng Bonifacio: Isang Sarsuwela, laging nagnasang tumulo ang aking mga luha. Dahil nakita ko ang aking sarili. Nakita ko rin ang aking mga ninuno. AT MULI, NAKITA KO PA RIN ANG DAGAT NG KATOTOHANAN.

Isang katotohang pikit-matang nadarama ng bawat Pilipino. Ng masang Pilipino na inaalipin pa rin ngayon at pinapatay ng mga MAYAYAMAN. Ng ka-hipokrituhan, Ng mga kayabangan. At higit sa lahat, ng mga materyal na bagay.

Ito nga ang mensahe ng dulang Bonifacio: Isang Sasuwela. Na napaka-klarong naisulat ni direk Vince Tanada para sa isang dulang musikal. Nilapatan ng madamdaming musika ni Pipo Cifra, tila bagang nabuhay muli nu'ng gabing iyon ang kaluluwa ng mga Katipunerong lumaban para sa kasarinlan, kalayaan at karapatan ng bawat Pilipino.

Hindi ko ito madarama ng ganun katindi kung hindi dahil sa napakagaling na pag-arte ng bawat aktor at aktres na kasama sa dulang ito. Litaw na litaw ang kanilang mga kaluluwa sa bawat eksena. Maski ang mga nasa likod at suportang aktor lamang ay nagawang magnakaw ng pansin sa bawat eksena.

Tulad nina Abner Navia (gumanap bilang Teodoro Plata), Jessica Evangelio (cast ensemble), Arian Golondrina (cast ensemble) at Robert Encila Celdran (Espanyol na Heneral)- nagawa nilang lahat na makapagnakaw ng atensyon palayo sa mga bida at mga supporting cast na gumaganap sa entablado. Maski malayo sila at nasa likod lamang- ang mga mukha nila'y punong-puno ng mga emosyon at damdamin. Nangungulubot na parang mga basang tuwalya na kapag piniga mo'y may lalabas pa ring mga katas, lalong-lalo na si Abner Navia. Ganyan katindi ang kakayahan ng mga Stagers sa pagganap.

Sa supporting cast naman, akmang-akma ang kakaibang atake ng pagganap ni Jomar Tanada Bautista bilang isang sundalong pumatay kay Bonifacio. Nakakaalarma ang mga kilos niyang banayad pero "intensifying" at gugustuhin mong awatin siya paakyat ng entablado habang pinapatay niya si Bonifacio. Isang napakatinding eksena talaga iyon at mapapaiyak ka.

Bukod kay Jomar, talagang ayaw ring paawat nitong si John Rey Rivas na halos palundagin kami sa pagkamangha sa kagalingan niyang umarte. Si John Rey ang gumaganap naman bilang nakababatang kapatid ni Bonifacio na pinaslang din kasama ni Bonifacio. Siyempre, nariyan din sina Jerie Sanchez (bilang Tandang Sora), Cindy Liper (bilang Gregoria de Jesus), Kenneth Miles (bilang Emilio Aguinaldo), Adelle Lim (bilang Hilaria Aguinaldo), Chris Lim (bilang Espanyol na sundalo), at si Derotsen Etolle (bilang Macario Masangkay) na pawang mga datihang Stagers na, at tila bagang habang tumatagal ay parang mga alak na masasarap na hindi mo malilimutan kapag natikman mo (o nasaksihan sa pagganap at pag-arte).

Sa bawat musika ay may sayaw. At sa isang sayaw naman ng Stager na si Vean Olmedo, ay mapapanganga ka sa kagalingan niya. Kasama ang isa pang Stager na si Gerald Himarino...

****   ****  ****

"WHAT ARE HEROES MADE OF?", minsan ay naitanong iyan sa akin ng bata kong pamangkin. Napatulala lamang ako dahil hindi ko alam ang kasagutan.

Pero pagkatapos kong mapanood ang dulang Bonifacio: Isang Sarsuwela, nakita ko ang dalawang mga SAGOT.

Ang mga bayani ay nakikita sa kani-kanilang mga kagitingan. Ang mga bayani ay nagtataglay ng kakaibang katapangan, katalinuhan at kagalingan.

HIGIT SA LAHAT, ANG MGA BAYANI AY MAY PUSO.

Ito ang mga katagang sinambit ni Patrick Adrian Libao (na gumanap bilang Emilio Jacinto) sa isang eksenang nakikipagtalo siya kay Aguinaldo. Kontrahin man iyon ng iba pang mga kritiko at propesyonal na mga tao, ang PUSO pa rin ng isang tao ang magpapanalo sa bawat digmaan (na maski ba natalo ang mga Katipunero nung mga panahon na iyon, umusbong naman ang mas marami pang bayaning Pilipino sa mga sumunod na henerasyon).

Dahil ang puso ay tulad din ng isang aktor na napaka-sensitibong nailahad sa madla ang karakter na ginampanan niya. Sa isang eksena ni Patrick Adrian Libao na kung saan ay nalaman niyang patay na si Bonifacio at nangako siyang hindi sasapi sa grupo ni Aguinaldo, ang pagtulo ng kanyang mga luha ay tatangayin ka upang mapaiyak na rin. Napakagaling.

Pero wala na sigurong hihigit pa sa pagmamahal na iniukol at ibinigay ni Vince Tanada sa papel niya bilang si Andres Bonifacio. Dahil ang nakita namin- si Vince at si Andres ay naging IISA sa mga oras na iyon habang pinapanood namin ang final rehearsal ng dula. Isang makapangyarihang daliri yata ang nag-buklod sa mga kaluluwa nina Vince at Andres. Na nagpatayo sa aming mga balahibo.

Ang bawat eksena ni Vince ay tumutusok talaga, at hindi lang basta TUSOK. Tila sinasaksak ka ng matinding mga emosyon dahil sa napaka-makatotohanang pagganap ni Vince bilang si Andres Bonifacio. At, IIYAK KA RIN.

Oo, iiyak ka rin. Iiyak ka rin sa mga mahihirap na Pilipinong hanggang ngayon ay nakikipaglaban pa rin.

Iiyak ka rin sa mga maka-sining na nilalang ng Teatro- ang mga aktor at aktres na ito sa likod ng entablado na nag-alay ng kanilang mga buong puso't kaluluwa para sa SINING.

SILA ANG MGA BAYANI.  AT, ITATAAS KA NILA,

MAGPASA-HANGGANG....



WAKAS.


(sinulat ni robert manuguid silverio)







derek dee's hep cured fb blog can save lives...

DEREK APPROVES "THE CURE"




"I want to create further awareness, let people know that there's now a cure for Hepatitis-C", Derek Dee, an action star in the mid 90's, told a blogger. "That's why we created this FB blog- together with my team, so that people will know and connect with us."

The name of the FB blog is HEP CURED (it was formerly named Hep C Cured, but Derek cut it short now to Hep Cured). The link of this FB blog is: https://www.facebook.com/hepcured/?pnref=story

Through this blog, Derek posts relevant news and updates on the Hepa-C sickness, most especially the drug called Harvoni, which cures 94% of the sickness, almost as good as being 100% cured. Derek himself was now totally cured of Hepa-C when he started taking this powerful and miraculous drug. Really mind-blowing.

Now, Derek thoughT of giving back to others the cure he got through Harvoni drug. It's now his advocacy- we could say, his 'lifetime advocacy', to dedicate his second life helping others to avail of this expensive drug and find ways to avail it in a cheaper way. Derek knows how and could think of ways- in a legal way- to help poor people with Hepa-C also get a chance to be treated by this drug.

With Derek's side on this wonderful cause and advocacy is her own daughter Michelle Dee (an exclusive Bench contract model), to give support to his father on this mission of a lifetime.

Just follow Derek's FB Blog- "HEP CURED" and you will know the facts and more details. Hepa-C used to be a death sentence, but now it's not.

And Derek's braveness in being open that he got Hepa-C and was cured by Harvoni drugs would soon create more miracles, not the STIGMA.

And all it takes is one real strong kind of a MAN to do just that. His name is DEREK.


(words by robert manuguid silverio)

DEREK WILL CONTINUE TO FIGHT FOR OTHERS

DEREK: ANGRY NO MORE

DEREK WITH DAUGHTER MICHELLE

ONE OF DEREK'S WRITE-UPS IN A BROADSHEET PAPER

DEREK AND THE MIRACLE DRUG



CRITICS NIGHT OF "BONIFACIO, ISANG SARSUWELA" AT THE AFP THEATER ON NOVEMBER 3





IT'S ONE OF THE LONGEST-RUNNING PLAYS EVER. When it was staged around three years ago, it ran for more than a year and had more than 500 performances all over the country. And we could say by now, it's the best stage play that Vince Tanada had directed and acted on. It's our favorite, we can say. And Vince's favorite, too.

Now, on November 3, at exactly 6 p.m., this masterpiece of a play will have its CRITICS NIGHT at the AFP Theater before it will run anew for a series of performances- most especially, on Bonifacio Day on November 30. But before that, the play will have its OPENING DAY on November 4, 2016, also at AFP Theater.

On its Critics Night on November 3,- media bloggers, tabloid columnists, photographers, and critics will all watch this great play of Vince Tanada on November 3. 

Come, cherish anew OUR TRUE FILIPINO SPIRIT... via this masterpiece of a play, via this modern classic version of a play.

BONIFACIO: ISANG SARSUWELA.


on November 3. Catch you there.


(written by robert manuguid silverio)

isang gabi, sa piling ng mga fans ni gerald santos...


THE TEAM GERALD AS SINGERS

gerald: mamahalin mo hanggang wakas

ms. maritess soguilon, gerald's secretary- with mr. cocoy ramilo, gerald's manager



Ang bawat tao ay may kanya-kanyang pangarap. Mga pangarap na kung minsan ay natutupad, at kung minsan ay hindi rin. Mga pangarap na siyang nagbububuklod-buklod sa bawat nilalang upang mabuhay at magpunyagi. Mga pangarap na kahit isang saglit lang, maramdaman mo sana.

Isang gabi, ang mga pangarap na iyon ay natupad. Isang gabi, sa piling ng mga fans ni Gerald Santos.

Oo, iyon ang gabi na kung saan ang mga fans na ito ay ipinakita ng lubos-lubos ang kani-kanilang pagmamahal para sa kanilang idolo. Ikinuwento nila at inilahad sa gitna ng entablado ang matinding pagmamahal na iyon. At ang matapat nilang pagsubaybay sa singer-actor na naging inspirasyon nila sa kanilang buhay. At higit sa lahat, ipinakita nila sa madla na lahat sila'y nangarap ring maging isang singer. Kaya naman isa-isa rin silang nag-awitan ng solo.

Damang-dama mo. Tumatagos. Ang iba sa kanila ay nakakaawit namang talaga, ang iba, pawang mga frustrated singers lamang na kailangan munang bumalik sa voice lessons- pero ganunpaman, ang ipinamalas nilang kakayahan ay kahanga-hanga. Ginawa nila ito para sa kanilang idolo.

Yun ang gabi ng KONSIYERTO nila, ng konsiyerto ng mga fans ni Gerald Santos- ang Team Gerald. Idinaos nila ang konsiyertong ito para makatulong sa mga kapus palad. At para na rin maipamalas nila na may kakayahan din sila sa pagkanta. Ang pamagat ng konsiyerto: IT'S OUR TURN: THE DREAM TEAM GERALD SANTOS CONCERT.

Idinaos ang konsiyerto nila sa isang napakagandang venue- sa PBA Cafe ng Metrowalk, Ortigas Avenue. Naganap nuong October 27 sa ganap na alas-nuwebe ng gabi. And take note, napuno nila ang venue! Sosyal talaga ang mga fans na ito ni Gerald. Mga hindi basta-basta...

Si kuya Cocoy Ramilo, ang manager ni Gerald, ang siyang naging host ng mini- program/concert. Masayang-masaya siya nuong gabing iyon dahil very cooperative and supportive ang mga fans. At natuwa siya ng husto nu'ng isa-isa nang nagkantahan ang mga ito. He's so proud of them.

Ang pinaka-nakakaiyak na parte ng concert ay nuong gawaran ang mga loyal fans ni Gerald ng Certificate of Recognition because of their unending love for Gerald. Ang tatlong fans na ito rin ang pinakamalapit sa puso ng isang blogger. Sila ay sina Maritess Soguilon (who's also the official secretary of Gerald), Nanay Bebot Santiago (the President of Team Gerald) at si Lhynne Imperial (ang fans ni Gerald na forever nang nagpo-post sa Youtube.Com ng mga events ni Gerald at laging kumukuha ng pictures).

Sa bandang huli, iisang tao lang ang pinakahihintay ng lahat. Ang taong naging sanhi para magkaisa sila, magmahalan, magtulungan, at, MABUHAY NG MAY PANGARAP. Dahil ang taong ito ang kanilang inspirasyon.

Si Gerald Santos.

Oo, sa pag-awit ni Gerald sa kabuuan ng concert, muling humanga ang lahat ng kanyang fans na naroon ng gabing yaon.

Dahil, nag-iisa lang siyang pinakamabait na singer at aktor na nakilala namin.

MAGPASA HANGGANG....

WAKAS.



(sinulat ni robert manuguid silverio)





gerald santos: halik sa kamay, halik sa pisngi...



GERALD SANTOS: "HALIK SA KAMAY, HALIK SA PISNGI"

Hinalikan ko ang kamay niya, tanda ng buong pusong pasasalamat para sa kanya at sa manager niyang si Cocoy Ramilo dahil itinuring nila akong isang kaibigan, kapamilya at kapuso. sa gitna ng mga intriga at mga paninira ng ibang mga tao, hindi nila ako binitiwan. sampu ng kanyang mga fans, nadama ko ang kanilang sinseridad- sa gitna ng aking maraming mga pagkukulang at pagkakamali.
hinding-hindi po ako bibitiw sa iniu, gerald at cocoy. dahil kaparte na kayo ng buhay ko. hanggang ngayon, marami pa rin akong naririnig buhat sa mga tao sa showbiz at sa sirkito naten na minemenos at minamaliit ang takbo ng iyong career as a singer and as an actor. marahil, hindi sila UPDATED sa mga kaganapan sa iyong career as an independent celebrity na hindi umaasa sa mga giant TV networks para patakbuhin ang career niya. pero para sa akin, mas impressive pa nga ang takbo at mga pangyayari sa iyong career- compared to others. mas marami ka ring na-achieve.
hayaan ko na lang ang mga nang-iintrigang iyon. hindi naman kasi nila siguro nasusubaybayan ang takbo ng career mo.
basta gerald, narito pa rin ako. magmamahal sa iyo- sa inyo...
magpasa-hanggang WAKAS.
(pahabol: salamat sa halik mo pisngi ko. ilang araw tuloy akong namahinga dahil sa iyo- r.s.*)





gerald: ka-papa-papa talaga.

Ano ang tingin mo? CINEMA ONE ORIGINALS, MAY HAMON SA MGA MANONOOD NGAYONG 2016



Ano ang tingin mo?
CINEMA ONE ORIGINALS, MAY HAMON SA MGA MANONOOD NGAYONG 2016

Hahamunin ng Cinema One Originals ang imahinasyon at pananaw ng mga manonood sa mga maglalaban laban na mga pelikula para sa naturang film festival ngayong taon.

Gamit ang bago nitong tagline na “Anong Tingin Mo,” ang Cinema One Originals ay muling magtatampok ng iba’t ibang pelikula sa narrative category na sasamahan pa ng tatlong dokumentaryo matapos itong magbigay rin ng grants sa unang pagkakataon sa tatlong documentary film makers.

Kabilang sa tatlong featured documenataries sa film fest ang “Forbidden Memory” ni Ted Mangansakan na kakapanayam ng survivors sa isang mass murder na naganap noong Setyembre 1974; ang “Piding” nina Paolo Picones at Gym Lumbera na babalikan ang kasaysayan ng ornithologist na si Oliver Carlos; at “People Power Bombshell” ni John Torres na bubusisi naman sa isang nahanap na pelikula ni Celso Ad Castillo.

Samantala, tatlo naman sa nabigyan ng grants sa narrative category ay dati ng sumali sa nakaraang Cinema One Originals. Sila ay sina Keith Deligero na idinirehe ngayong taon ang kwento ni “Lily,” isang babaeng pinaghihinalaang kalahating halimaw; si Malay Javier na ipapamalas ang isang quirky love story sa “Every Room is A Planet,” at si Borgy Torres na mapanghamon naman sa basketball crime film niyang “Tisay.”

Apat na baguhang filmmakers din ang magpapakitang gilas kabilang sina Petersen Vargas sa kanyang dark high school comedy na “2 Cool 2Be 4gotten,” si Samantha Lee sa kanyang millennial love story na “Baka Bukas,” si Jose Abdel Langit sa kanyang ethnographic mystery na “Malinak Ya Labi,” at Jules Katanyag sa ganyang geriatric action film na “Si Magdalola at Ang Mga Gago.”

Tampok rin sa Cineme One Originals ngayong taon ang ilan sa acclaimed foreign films tulad ng “The Salesman,” “Slack Bay,” “It’s Only The End of the World,” “Embrace of the Serpent,” “Swiss Army Man,” “I, Daniel Blake,” “Fuocuoammare,” “De Palma” “Close Encounters with Vilmos Szigmond,” “The Wailing,” “Goodnight Mommy,” “The Witch” at “Creepy” at restored classic Filipino films na “Tatlong Taong Walang Diyos” ni Mario O’Hara, “Nagalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi” ni Danny Zialcita, “Cain At Abel” ni Lino Brocka, and “Pagdating sa Dulo” ni Ishmael Bernal.

Mayroon ding special screenings ang Golden Lion award winning film ni Lav Diaz na “Ang Babaeng Humayo” at found footage horror film ni Sherad Sanchez na “Salvage.”

Ang Cinema One Originals ay mapapanood mula November 14 hanggang 22, 2016. Gaganapin ang screenings sa Trinoma, Glorietta, Gateway, Greenhills at Cinematheque.

gerald santos and his fans, altogether in one concert!

gerald and his fans in a concert


Yes, majority of Gerald Santos' very supportive fans are SINGERS, too, in their own rights. They are called the TEAM GERALD. With the exception of pretty ladies-fans Maritess Soguilon and Lhynne Imperial (who both can't sing)- the rest of the TEAM GERALD are showing-off their great singing skills in a concert entitled "IT'S OUR TURN: THE DREAM TEAM GERALD SANTOS CONCERT".

It;s going to be held on October 27, 2016 at the PBA Cafe, metrowalk, Ortigas Avenue, Pasig City.

The Celebrity guests on this special evening of songs, skits and laughs are Albert Aguilar, Cielo Cabayao and Julius Bergado. 

Watch and witness how the fans of Gerald Santos will outshine each other and show that they, too, have something to be proud of themselves.

Of course, the main highlight of this concert is going to be Gerald Santos' challenge on the finale of the concert, as he himself will dare the TEAM GERALD to be better than HIM! Oh, my. What a great challenge.

Who among the TEAM GERALD will really prove to be the BEST? wATCH THEIR CONCERT AND KNOW WHO!!! See you all there.

(by robert manuguid silverio)


gerald: to challenge his fans



DEREK DEE AND THE MIRACLE DRUG THAT CURES HEPA-C....



DEREK: A SECOND LIFE

DEREK AND HIS "MIRACLE DRUG"


THE MIRACLE DRUG


"Hi my name's Derek Dee. Four years ago I was diagnosed with Hepatitis-C, and I guess I got it during my early teenage years sharing needles. Although for decades now, I no longer do drugs, Hepa-C was already in my system and I only knew it four years ago. Treatment at that time (four years ago), had a 50% cure rate with deadly side effects, so I refused treatment. In short I WAS A DEAD MAN WALKING. But last year a new drug, Harvoni came into the market with a price tag of us$90,000 with a 97% cure rate. I took the medicines and happy to say I AM HEP C CURED. But this is just the beginning of my story. Knowing most people can't afford The Miracle Drug I found out that there were companies LICENSED to make these medIcines, for only us$800.00-$1,200 for the whole treatment and this started me on my journey to help all people with hepatitis c get the MIRACLE DRUG." - (from hep C Cured Philippines FB Page.- link: https://www.facebook.com/hepcured/?fref=nf&pnref=story)


DEREK WITH HIS BENCH MODEL-DAUGHTER MICHELLE, AND AT THE BACKDROP PAINTING, THE LATE MRS. REGINA DEE (R.I.P.)- DEREK'S MOM AND MICHELLE'S GRAND MOM.

derek: ruggedly handsome!

from robert silverio, derek dee's friend:
Derek, we so admired your courage to face this greatest battle in your life with openness, vitality and concern for others. This advocacy of yours will surely help others who are still unaware and hopeless how to cure Hepa C. You are an ANGEL. LOTS OF PEOPLE WILL BENEFIT FROM YOUR WILLINGNESS TO HELP, SHARE AND GIVE A PART OF YOURSELF. MABUHAY KA, DEREK!


"ang hindi nakikitang pakpak", ang musical play na mula sa librong sinulat ni rita avila...





Ang aktres na si Ms. Rita Avila ay isa sa mga hinahangaan din naming children's book authors. She had written more than five children books at talaga namang gustong-gusto namin ang mga mensaheng isinasaad ng bawat librong sinusulat niya. No wonder, itong pinakabagong libro niyang pinamagatang The Invisible Wings ay ginawa na ngayong isang musical play. Nakakasabik na mapanood talaga.

Si Peter Flores Serrano, isang batikang theater actor ang nag-produce ng dulang ito, under his State of Stage Entertainment Productions, in collaboration with Harlene Bautista's Heaven's Best Entertainment Live Productions.

We guess, it's high time that heavenly plays like this one, na ang target audience ay mga musmos na bata- lalo na iyong mga batang hindi pa nagsisipag-aral- ay makapanood ng mga musical plays na magpapakita ng kabutihang dinudulot ng mga ANGHEL.

Orihinal na konsepto kaya naman kasabik-sabik talagang mapanood. Lahat naman tayo ay mga bata sa puso at damdamin, at lahat tayo ay may GUARDIAN ANGELS, di ba?

At siyangapala, endorsed ang play na ito ng Episcopal Comission of the CBCP (catholic Bishops Conference of the Philippines) at mismong ni Cardinal Tagle!

Tara na po, sama-sama nating panoorin ang "Ang Hindi Nakikitang Pakpak" sa darating October 20, 21 and 22, sa mga oras na 10 a.m. at 3 p.m. sa St. Scholastica's Auditorium! 

See u all there!!!

rita: writes about heaven
peter: spreading the message of ANGELS.


gerald santos, china cojuangco, and others guests in "laguna: full force" (for the benefit of gantimpala theater foundation)...




Nakakataba naman ng puso ang suportang ibinibigay ng singer-actor na si Gerald Santos para sa Gantimpala Theater Foundation. Nu'ng October 5 ay dumalo na siya sa unang benefit show, at ngayon naman, hayan at dadalo na naman siya ulit sa ikalawang benefit show bukas, October 12 sa The Library na entitled "Laguna: Full Force" na para ulit sa benefit ng Gantimpala Theater Foundation.

Iyong October 5 kasi, parang reunion at gathering 'yun ng lahat ng mga naging Gantimpala artists, at itong ikalawang show naman bukas ay pawang mga artists sa Laguna ang magsisipagtanghal, mga artists na na-workshop na ni Gean Alain de Leon, isang Gantimpala staffer at assistant director ni Frannie Zamora.
At hindi lang basta dadalo si Gerald sa nasabing show, isa rin siya sa mga very special guests, kasama sina China Cojuangco, RJ Jimenez, CJ Mangahis, Renzo Almario, Norman Penaflorinda, Heidi Arima at Ruel Oda.

Tunay ka, talagang all-out support si Gerald sa mga tao sa mundo ng teatro dahil malakas ang chance ni Gerald na mapasali sa West End Production version ng Miss Saigon (na sa London pa itatanghal) para sa role na Thuy. Wow naman. Sana ay totoo na talaga ang ugong-ugong na iyan. We'll keep on praying na makuha si Gerald sa West End version ng Miss Saigon!

Samantala, si Kakai Bautista (isang true-blooded Gantimpala artist) ang siyang Front Act ng event na ito, kasama ang Laguna Artists. Sa ganap na 8 p.m. ng gabi magsisimula ang show.

Go na kayong lahat at makisaya sa benefit show na ito!!!


(sinulat ni robert manuguid silverio)

RICHARD QUAN: MASKI SAAN, KAHIT KAILAN...

richard quan: an actor of high caliber

richard during a coffee interview with blogger robert silverio


Ang isang tunay na aktor ay naglalakbay, nagpupunta sa mga lugar na nais niyang makamtan, nagmamadaling makuha ang mga panlasang nais niyang matikman.

Ang isang tunay na aktor ay maihahambing rin sa isang alak na matagal nang nailaklak sa bodega ng makalumang panahon, sumasarap pa ng husto sa pagdaloy ng mga araw at ng mga taon...

Pero higit sa lahat ng ito, ang aktor ay umiibig sa tuwina, inaakap ng mahigpit ang Sining ng pelikula, tumititig ang mga matang malamlam sa kaluluwa ng isang kapwa-taong nagbabadyang matuklasan siya...

Dahil, ang aktor ay isang AKTOR. At hindi na dapat pang harangan pa ng sibat ang mga susunod na maipapamalas niya.

Ang aktor na iyon ay si Richard Quan, at wala nang iba.

Sa isang "intimate coffee interview" sa aktor na si Richard, mas lalong lumalim ang pagkakakilala namin sa kanya. Dahil sa pagtakbo ng mga oras at araw, mas lalo niyang napatunayan ang kaganapan ng kanyang pagiging isang tunay na aktor. Pero nanatili siyang "low key", mapagkumbaba, tahimik...

Unang tanong: Richard, isa ka sa maituturing na pinaka-low key na aktor sa crop of serious actors that we have now in showbiz. Hindi mo ba napi-feel na napaka-under rated mo as an actor?

"It's my choice", mabilis na naging tugon ni Richard. "And I have no regrets. Mas ginusto ko ang ganito na tahimik lang, walang masyadong intriga at hindi nakakalkal ang pribadong buhay ko. Ang masasabi ko lang siguro, mas may narating ako sa pagiging isang aktor. At mas masaya ako kung nasaan man ako ngayon. At mas naa-appreciate ko rin ang mga magagandang bagay na dumarating sa career ko."

Ikalawang tanong: Anu-ano ba ang mga most challenging movies na nagawa mo na? Yung mga naging pinaka-paborito mong pelikula, Richard?

"Para sa akin, 'yung pinaka-una ko pa ring pelikula ang pinakagusto ko", muling sagot ni Richard sa ikalawang tanong. "Ang pamagat ng pelikulang iyon ay Saan Ka Man Naroroon, na mula sa direksyon ni Carlos Siguion-Reyna. Unang-unang pelikula ko iyon at ang ganda agad ng naging papel ko doon. Pati billing ko, kahanay ko sina Richard Gomez at Dawn Zulueta. Pangalawa iyong pelikulang Karinyo Brutal, kasi ang ganda rin ng naging role ko doon. Pero ngayon, may ginagawa akong pelikula, itong Kids of War. Isa itong indie film at kasalukuyan kong sinu-shoot. Ibang klase ang papel ko dito at talagang mapang-hamon."

Sa puntong ito ng coffee interview kay Richard, isinawalat niya ang mga bagong pelikulang ginagawa niya ngayon:

"May ginagawa akong film ngayon which is very close to my heart, it's about World War Two", muling pahayag ni Richard. "Ang pamagat ay Kids of War, na nabanggit ko na kanina. Ang ganda ng script ng pelikulang ito! Istorya ito ng mga teenager na kabataan at iyong epekto ng giyera sa mga buhay nila. Kung ano'ng nangyayari sa kanila habang ang mga magulang nila ay nakikipaglaban sa giyera. It's a very ambitious script and to think, indie film lang ito.


richard quan in a scene of his latest film- "kids of war"

"Ang maganda pa, iba ang naging samahan naming lahat habang ginagawa ang pelikulang ito", dugtong na sabi pa ni Richard. "You can feel sa set ng pelikula namin na nagmamalasakit ang bawat isa, nagtutulungan, nagdadamayan. Bale ang producer kasi namin dito ay baguhan pa lamang. Kaya siya nag-produce ng pelikula ay para sa anak niyang sumali sa acting workshop. Ganun lang kasimple at nag-produce na siya. Kaya gusto ko suportahan ang mga producers na tulad nila."

Si Moises Lapid, na dating production designer ng beteranong direktor na si Gil Portes ang direktor ng Kids of War. Si Arman Reyes naman ang Associate Producer at si Rolly Palmes ang Line Producer. Kasama ni Richard sa pelikulang ito ang kapatid ni Coco Martin na si Ronwaldo Martin na gumaganap bilang anak niya sa pelikula.

Bukod sa Kids of War, may dalawa pang mga pelikulang tinatapos ngayon si Richard. 'Yung isa ay film entry sa darating na Cinema One Originals film fest sa November. At 'yung isa pa, isang advocacy film ukol sa mga bata.

"'Yung movie ko sa Cinema One, all-out na Panggalatok ang mga speaking lines ko doon", kuwento pa ni Richard. "Panggalatok is a Panagasinan province dialect. Kaya talagang nag-ensayo pa ako sa pananalita ng Panggalatok. Ukol ito sa mga beliefs ng mga Pangasinan people, reflecting their old traditional beliefs. Ang title ng pelikulang ito ay Malinak Ya Labi na ang ibig sabihin sa Ingles ay Silent Night.

"At 'yung advocacy film ko naman ukol sa mga bata, ang title nu'n ay Karapatan Pambata at mula ito sa direksyon ni Joven Tan", dugtong ni Richard. "Malapit ko na ring matapos ang pelikulang iyan."

Si Richard Quan, aktor pampelikula. Naglalakbay, humahayo... At lalong gumagaling at tumitibay sa pagtakbo ng panahon.

Si Richard...

MASKI SAAN, KAHIT KAILAN...

Ay isang aktor na titingalian, mamahalin...

HABAMBUHAY.



(sinulat ni robert manuguid silverio)

richard: habang tumatagal, lalong sumasarap

richard: one of the handsomest actors a blogger had met


the re-staging of "bonifacio: isang sarsuwela", vince tanada's most favorite play of all...



It was an era when Filipinos were brave enough to fight for the cause of the true spirit of Nationalism...
A time and a place wherein ordinary Filipinos united for a common cause, and heroism evolved in the hearts of everyone.
And one man, in person of hero Andres Bonifacio led them. 
And the Philippine flag's true symbolism stood tall amidst them all.

In the musical play Bonifacio: Isang Sarsuwela, which was first staged by the Philippine Stagers Foundation three years ago, and now, will soon have its comeback on Bonifacio Day at the AFP theater, the spirit of being a true Filipino will come again. You will transcend time and space and regress in an era of camaraderie, heroism and braveness.

"It's my favorite play, I guess the best one that I have ever written and directed", Vince told a blogger-friend of his. "That's why this re-staging of Bonifacio: Isang Sarsuwela means so much to me. It's very special to my heart."

The blogger-friend of Vince did agree to what he said. Because he himself had watched the play more than 20 times when it was first staged in a series of performances three years ago. And he never got tired watching that hell of a MASTERPIECE.

Andres Bonifacio could have been our National Hero if not for the intrigues and the Politics. Yet, the emergence of the Super Powers in our native land over ruled the true quest of a true hero.

But then again, through Vince Tanada's musical play Bonifacio: Isang Sarsuwela, that kind of thirst will be relieved and quenched anew.

BONIFACIO: ISANG SARSUWELA, the re-staging. The comeback....

Watch it on Bonifacio Day at the AFP Theater. See you all in the theater!!!


(written by robert manuguid silverio)




THE MOST VIOLENT DEATH SCENE OF BONIFACIO, AS PERFORMED BY VINCE TANADA ON STAGE WITH STAGER DE'ROTSEN ETOLLE WAS ONE OF THE MOST UNFORGETTABLE SCENES IN "BONIFACIO: ISANG SARSUWELA"




ALL IS FAIR IN LOVE AND WAR (a review for the concert play TROY AVENUE)...






In loving someone, you sacrifice almost everything. It's because you love that person so much and you'd never care about loosing it all.

In loving someone, you tend to be brave. You would be strong enough to fight and protect the very person you love.

And you'd soon know, there would always be people out there who would help with the FIGHT. They were the people within the bounds of your very existence- your family, your friends, your co-people, your neighbors.

And in the end, you'd see. Yes, you'd see... that the strength was really deep within you. And even a demi-god would die from your pointing arrow- just for you to know that your LOVE was stronger and your HEART, more powerful.

That was the place they called TROY AVENUE. A place that somehow existed in the mythology of time and space. Where people and gods co-existed, where power and might ruled an entire city. And where beauty and love embraced anew.

Paris (so sweetly portrayed by Stager Poul Garcia) was just a simple, young man. Yet he loved a woman greater than a faith that could move mountains. He proved his great manliness and fair manners to everyone- which only greater impressed his father- King Priam (outstandingly portrayed by Stager Chin Ortega) and that was the reason why he got all the support needed from the people of Troy not to return back Helen (performed with much angst and passion by New Stager Maya Encila) to the land of Greece and under the evil arrogancy of Menelaus (acted upon with great intensity by Stager Gerald Himarino).

AND THE WAR SOON ERUPTED. It was ignited by Paris' great love on the most beautiful woman on earth- Helen.

King Agamemnon (performed on stage with great overwhelming power of conviction by Stager Jomar Tanada Bautista) became the angriest man on the planet and he commanded a thousand ships and a treachery to the land and people of Troy- in order to conquer it and get Helen back. A demi-god in person of Achilles (so wonderfully portrayed by Stager Kenneth Sadsad) participated in the conflict with his own personal agenda and egoistic whims.

In the end, the people of Troy were never conquered. Because Paris proved to everyone that even a demi-god like Achilles would die just for LOVE. And in war, all seemed to be FAIR.

YES, ALL IS FAIR IN LOVE AND WAR.

You would insist, sometimes, that it's all unfair and unjust. But it was not. 
Because, just like in loving, both sides die, both sides win, both sides loose.

A milestone of a performance was again seen in the performances of Stagers Adelle Ibarrientos-Lim, Hark Montillana and John Rey Rivas.
Hark as Hector was convincing and penerating, Adelle as the Troy woman/baby sitter made us laugh to death, and John Rey as Achilles' best friend performed with a new kind of an acting style on stage that's so eye-catching and efficient. Kudos!

But without the great direction and a well-written play script by Vince Tanada, the concert play Troy Avenue would not reach its true intent-

That,

of loving

some one back, again...


AND FOREVER.


(as the words were written by robert manuguid silverio)

VINCE

POUL

KENNETH

JOMAR

ADELLE
GERALD

MAYA


CHIN

JOHN REY
HARK

THE DIRECTOR WITH SOME OF THE CAST OF "TROY AVENUE"

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...