SALAMAT, MUSIKA, SALAMAT!






SALAMAT, MGA KAIBIGAN. SALAMAT PO, PANGULONG DUTERTE. SALAMAT, PAMILYA KO. SALAMAT, MGA KASAMA KO. ang taong 2016 ay naging napaka-meaningful sa akin. ang daming nangyari. karamihan man ay masasakit (tulad ng pagyao ng aking ama), well, i could say that it's still a very challenging life. pero kung hindi dahil sa pasensya ninyo at pang-unawa- HETO PO, BUHAY PA RIN AKO.
bihira mang mangyari na you can have the both sides in life (or death), masuwerte pa rin ako dahil sa mundong kinalagyan natin- nakita ko ang 5-dimensional experience.
SALAMAT, KASAMA KO AT KA-SOULMATE.
SALAMAT, MUSIKA!!!!!!!!!!!!!!!

HELLO, 2017!!!

(robert manuguid silverio, with anton.)*




WALANG SALITA, PERO MAKUKUHA MO
















"SINCERELY YOURS, MICHAEL"


michael: so much loves

sincerely, michael

michael, oh. my.




It's been a very sentimental and rewarding journey for singer Michael Pangilinan in the year 2016. A lot of memories had transpired. Mostly happy memories, and just a few sad ones. But what matters most, Michael proved to everyone that he's worthy to be loved... and admired.

"I guess, the only sad thing that will haunt my memory this year is my son's absence on my last birhday concert", Michael told a blogger-friend. "How I wanted him to be there and embrace me. But it did not happen because some people did not want him to be with me. yes, I cried at that birthday concert of mine. And I am still wishing to see him most each day, hug him, kiss him."

Yet, even though that Michael did not have it all, his career in the year 2016 zoomed-up higher. His artistry shone to the max. His image to the public was par excellance.

"Just recently, I was praised by channel 2 executives who watched my musical play at Ballet Philippines", Michael continued saying. "They even watched my show, most especially Mam Charo Santos-Concio. It was a very artistic endeavor on my part, as I was almost flying with ropes and harnesses in most of my dancing scenes there. It's my first time to do acrobatic dances while singing, but it's all worth it."

His last birthday concert was a huge success, too. He was supported there by lots of singers and comedians and artists, and he felt so flattered by the outcome.

"They all showed to me that they're happy with what I'm doing and achieving", Michael said. "Thanks to my manager, Jobert Sucaldito, for doing all his best for my career. As much as I would want to be simply a Pop singer, offers just kept on coming that challenged my artistic capabilities."

"Sincerely Yours, Michael".

Yes, sincerely Michael. And on the coming new year of 2017, January 7 to be exact, Michael will again do what he loves doing, actually. And that is, POP. Via his forthcoming concert at the Music Museum entitled "Sincerely Yours, Michael".

"I will appear in the concert together with Ms. Aiai delas Alas and Arnell Ignacio", Michael said. "It's my first time to sing in a concert with them, so this is something new for me. I do respect and admire them a lot and I feel so humbled by their participation on my concert. Aside from singing, me, Aiai and Arnell will make people laugh hard in my forthcoming concert."

Sincerely yours, Michael. because you are such a sincere guy worthy to be loved.


(written by robert manuguid silverio)


gerald santos spends christmas with his family....

rald beside a xmas tree

rald with his TEAM GERALD fans

rald handsome

raald in red



May kanya-kanyang mga diskarte ang mga celebrities sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan. May mga magpupunta sa ibang bansa upang magkaroon ng bakasyon doon, may mga maga-out-of-town sa Boracay o kung saan man, may mga pupunta sa mga barkada nila, at kung anu-ano pa. Pero ang singer-actor na si Gerald Santos, mas pinipiling makasama ang pamilya niya sa tuwing araw ng Kapaskuhan.

"For the past five years po, magmula nu'ng pumasok na ako sa mundo ng showbiz, taon-taon ay ganyan ang ginagawa ko", bungad pang sabi ni gerald sa kaibigan niyang blogger nu'ng gabi ng Christmas party ng Team Gerald last Dec. 15. "I spend the Christmas day with my family. Yearly, I go home in our house in Navotas at sama-sama kaming magkaka-pamilya hanggang sa pagsapit ng Bagong Taon."

Si Gerald kasi, talagang maka-Pamilya. Hindi niya ipagpapalit ang kanyang pamilya sa anumang bagay dito sa mundo.

"Iisa lang kasi ang pamilya natin, at hindi kayang palitan 'yan", dugtong na sabi ni Rald (palayaw namin kay Gerald). "Kaya as much as possible, taon-taon, tuwing Christmas season ay sila ang mas pinipili kong makasama. Until new year, magkakasama kami. Maghihiwa-hiwalay lang kami after New year na."

Pero ano ba ang Christmas wish ni Rald sa Paskong ito?

"Sana, dumating na siya...'yung pinakahihintay namin", mabilis na tugon ni Rald. "'Yung malaking bagay na hinihintay namin, sana mangyari na!"

Hhhhmmmmm. At tila alam namin 'yun, pero ayaw lang namin muna pang magsalita sa ngayon, in due respect to the people behind that "big thing" coming on Gerald's life. We feel kasi, ang mga tao sa likod nu'n ang dapat na mas maunang mag-announce, eh. Hihihihi....

Anyway, this coming January 5 to January 9 ay nasa India si Rald to attend the Saarang International Music Festival na kung saan ay si Rald ang kakanta sa Finale ng nasabing Music Fest, na may audience capacity na 30,000 to 50,000 students from all-over India. Kaya malaking karangalan ito para sa bansang Pilipinas. And take note, aawitin doon ni Rald ang mga Tagalog songs na originally ay kinanta niya't na-record.

"Kaya excited na ako, and I feel honored na ako ang napili nilang kumanta roon", sabi pa ni Rald. "Hindi ko ipapahiya ang watawat ng Pilipinas. I will do my best and perform to the ebst of my ability para mapabilib ko sila."

Inihahanda na rin ang next major concert ni Rald na entitled "Tenacity", which means "ten years". Sampung taon na rin kasi ngayon si Rald sa mundo ng pag-awit, at sa konsiyertong iyon, maraming sorpresang iahahatid si Rald. Sa march 25 idadaos ito at ang venue ay sa Kia Theater sa Cubao.

"Sana ay patuloy pa nila akong suportahan", pagtatapos ni Rald. "Sa mga fans ko, lalo na sa Team Gerald, maraming salamat at hindi kayo nagsasawang tumulong sa career ko. Asahan ninyong lahat, magkakasama pa tayo ng mas maraming taon dahil mahal ko kayong lahat!"

Tunay ka, Gerald.


(sinulat ni robert silverio)
MUSIC VIDEO OF RALD, UPLOADED ON YOUTUBE.COM BY:
MS. LHYNNE IMPERIAL

kiel alo: "ang bagong mamahalin"....


kiel: oh so charming!

kiel with michael pangilinan and nikko: mga kasamahan niya sa puder ni jobert sucaldito

kiel: straight from the heart

kiel: ang bagong mamahalin

Kung may makikita kang balingkinitang lalaki na cute at guwapo at palaging kasama sa mga concerts ni Michael Pangilinan, tapos nu"n ngingitian ka niya ng ubod ng tamis, 'yun ay walang iba kundi ang papasikat na singer na si KIEL ALO.

In person ay very charming si Kiel, madaling lapitan at hindi suplado. Kaya ito ang magiging one of his good assets para marating ang pangarap niya na sumikat bilang isang Balladeer-Singer. Kapag charming kasi ang isang celebrity sa mga tao, magaan ang dating ng blessings sa kanya. At si Kiel, dahil sa likas na mabait na bata, tiyak ding pagpapalain ng Diyos. Di ba, katotong Jobert Sucaldito?

Anyway, may dugong Kapampangan at Bisaya si Kiel. Pero sa Maynila na siya lumaki. Nu'ng nagdaang concert ni Michael Pangilinan sa Rajah Sulayman Park a month ago, marami ang nagalingan kay Kiel nu'ng awitin niya ang kantang "All of Me". Napakagaling kasi ng rendition ni Kiel sa awiting iyon at bigla tuloy nadagdagan na naman ang kanyang mga fans after hearing him sang the song.

Pero sa ngayon, laging guest lang muna si Kiel sa mga concerts ni Michael. Pinaplano pa at hinahanda pang maige ng manager niyang si Jobert ang mga susunod na hakbang sa kanyang career as a singer/balladeer. Pero sa January 7, 2017, isa siya sa mga magiging guests ni Michael sa concert nito sa Music Museum entitled "Sincerely Yours, Michael"- (na kung saan ay makakasama ni Michael Pangilinan sa concert na ito sina Aiai delas Alas at Arnell Ignacio bilang opening salvo sa career ni Michael sa taong 2017).

Anyway, back to Kiel, matanong nga natin kung ano'ng masasabi niya kay Michael Pangilinan?

"Isa po si Michael sa mga nirerespeto kong artists sa Music Industry", mabilis na tugon ni Kiel. "Magalang po siya at very humble na tao. Kahit baguhan pa lamang ako sa industry na ito ay very warm na ang pakikitungo niya sa akin.'Yan ang kagandahan sa aming dalawa ni Michael na pareho ang manager namin, hindi kami nagsasapawan sa isa't-isa."

Hindi rin natatakot si Kiel na totally ay matabunan siya ni Michael, dahil para sa kanya:

"Magkaiba naman po kami ng genre sa pagkanta, eh", sabi ni Kiel. "Ako, more sa Ballad songs. Si Michael, he considers himself more of a R&B singer."

Sa mga Ballad singers, ang mga idolo ni Kiel ay sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Ogie Alcasid at Ariel Rivera.

"Pero as much as possible , mas gugustuhin kong makilala ako ng mga tao sa sarili kong estilo sa pagkanta", pagtatapos na wika ni Kiel. "Kaya pagbubutihin ko talaga. Nagsisimula pa lang ako at alam ko, marami pa akong dapat magawa para pagbutihin ang career ko."

Korek ka diyan, Kiel. Ikaw nga ang bagong mamahalin.


(sinulat ni robert silverio)


"salamat, camarines sur at camarines norte!"--- vince tanada

VINCE WITH BLOGGER ROBERT SILVERIO



"Salamat CAMARINES SUR! Salamat din, CAMARINES NORTE...
Hindi biro ang sinuong na mga pagsubok sa loob ng higit anim na buwan para matuloy ang #KATIPS sa Naga City. Kaya maituturing na milagro at regalo ng Panginoon ang mapuno ang apat na pagtatanghal noong Disyembre 15 at 16 sa napakalaking Jesse Robredo Coliseum. 
Ito po ang Philippine Stagers Foundation...adhikain namin ang dalhin ang Sining ng Teatro sa iba't ibang lupalop hindi lamang magbigay ng aliw kundi upang edukahin ang maraming kabataan. 
Salamat Panginoon sa pambihirang pagkakataong ito. Salamat Stagers sa pagbabahagi ng regalo. Salamat sa lahat ng tumulong. 
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon." --- VINCE TANADA


(EXCLUSIVE PHOTOS BELOW, COURTESY OF STAGER JOHN REY RIVAS AND MR. VINCE TANADA HIMSELF).*


PART OF THE CROWD IN THE ASTRODOME IN BICOL

NEED WE SAY MORE?

VINCE FACING THE CROWD, THANKS EVERYONE


THE JAMPACKED ASTRODOME

CROWD OUTSIDE THE COLISEUM

VINCE TANADA'S FANS IN CAMARINES NORTE, HEADED BY MS. BERNADETTE BAYTAN

GIFTS TO VINCE, GIVEN BY MS. BERNADETTE BAYTAN

THE STAGERS!!!

VINCE'S CLOSEST FRIENDS!


ultra marathon runner: robinson andres joins the 65km run from manila city hall to sierra madre mountains...

robin practices his 65k run at manila city hall to sierra madre

"I have already secured my race bib number this afternoon for the 65km Manila City Hall to Sierra Madre Ultramarathon 2016 tomorrow evening (December 17) ... may the Lord God protect and guide us from danger and evil So, good luck to all of us participants and hope to see you there at the starting line..."---- ROBINSON ANDRES

ISA LAMANG ITO SA MARAMING SINALIHAN NANG MARATHON RUNS NG ULTRA-MARATHONER RUNNER NAMING KAIBIGAN NA SI ROBINSON ANDRES. NAPAKARAMI NA NIYANG MEDALS AND TROPHIES PAGDATING SA MGA LARANGAN NG PAGTAKBO AT MARATHON. KAHANGA-HANGA TALAGA SIYA. TO THINK, HE'S NOW IN HIS LATE-50'S (58 YEARS OLD NA PO SI ROBIN), HA. PINATUNAYAN LAMANG NIYA SA LAHAT NA AGE DOESN'T MATTER TALAGA. BASTA MAY PASSION KA AT DEDIKASYON SA GINAGAWA MO, YOU COULD REALLY DO GREAT THINGS IN LIFE!

PROUD KAMI SA IYO, ROBINSON. A 65-KILOMETER RUN IS NAKAKA-NERBYOS, HA. PERO DAHIL ALAM NAMING KAYANG-KAYA MO 'YAN, ALL WE CAN SAY IS- "GO FOR GOLD!"

CONGRATS, ROBIN!!!

(written by robert silverio)



"ROBIN: NUMBER 99"




ROBIN ALSO FINISHES A 18K RUN RECENTLY AT SIERRA...

ROBIN'S MEDALS COLLECTION IN RUNNING FOR A TOTAL OF 139 TO DATE IN DIFFERENT DISTANCES LIKE 3KM, 5KM, 10KM, 15KM, 16KM, 21KM, 22.6KM, 24KM, 25KM, 32KM, 34KM, 42KM INCLUDING ULTRAMARATHONS (50KM, 60KM, 65KM & 80KM) AND ULTRATRAIL MARATHONS (50KM)..



si michael pangilinan, at ang dulang "maynila: sa mga kuko ng liwanag"...


michael: carefree kid no more

michael: the hesitant actor

michael bares... his talent and his soul in "maynila: sa mga kuko ng liwanag" (play version)


young bembol rocco in "maynila: sa mga kuko ng liwanag"


Early this year pa lamang ay nalaman o nahulinigan na namin ang proyektong ito. Na tunay naman naming ikinagalak at ikinatuwa. Kay direk Frannie Zamora, isa sa mga respetadong direktor ng teatro sa Gantimpala Theater Foundation, una naming nalaman ang balitang ito. Pero sabi ni direk Frannie nuon sa amin, tahimik na lang muna at huwag ipagkalat ang proyektong dula na iyon na kung saan ay muli daw nilang kukunin ang serbisyo ni Michael Pangilinan bilang bidang aktor doon at ang magdidirek ng dula ay walang iba kundi si Joel Lamangan, ang mismong Artistic Director ng Gantimpala.

Opo, ito ang proyektong Maynila: Sa Mga Kuko Ng Liwanag (The Musical). Bale pagsasa-dula iyon ng klasikong pelikula ni Lino Brocaka (isang National Artist for Film na yumao nuong Dekada 1980's). Isang napakagandang proyekto, na hindi man natin masasabing komersyal ang dating (dahil karamihan sa mga Young Millenials ngayon ay hindi na alam ang klasikong pelikulang Maynila: Sa Mga Kuko Ng Liwanag), makapagdudulot naman ng kakaibang sigla at lalim sa muli, sa mundo ng teatro at pagtatanghal.

Naaalala pa namin, nuong mabanggit namin ito kay Jobert Sucaldito early this year, naging tuliro agad ang isipan at diwa ng pamosong manager na iyon ni Michael Pangilinan. Sabi pa ni Jobert nuon sa blogger na ito:

"Naku, Robert, ang hirap gawin niyan, hindi ko agad masasabi sa iyo kung kaya namin ni Micahel na gawin iyan!", sabi pa ni Jobert nuon na tila umaarte lang sa aming harapan. "Pero flattered ako at si Michael ang gusto nila para diyan. But I can not commit at this point in time. Michael is fully-booked until the year 2017!"

But that was early this year pa of 2016. Along the way, a lot of things have changed. At tila umubra ang kakaibang "convincing power" ni direk Joel Lamangan (sino ba naman ang hindi tatanggi sa magaling na direktor na ito?) para sa mga taong involved sa career ni Michael. Kaya naman nu'ng matagal naming makatabi at makapiling si direk Joel sa Full Force concert ng Gantimpala sa The Library, month of October this year, sinugurado na ni direk Joel sa amin na tuloy na ang dulang Maynila: Sa Mga Kuko Ng Liwanag, at nag-commit na rin daw sa kanya si Michael Pangilinan.

"Oo, Robert, tuloy na tuloy na talaga ang Maynila", sinigurado iyon sa amin ni direk Joel. "Yan ang next project na gagawin ko sa Gantimpala. At si Michael Pangilinan talaga ang first and last choice ko para gumanap sa papel ni Bembol Rocco sa klasikong pelikula na iyon na gagawin kong isang musical play this time."

Tailor-made daw kasi para kay Michael ang role nung bidang lalaki roon. Walang iba pa na puwedeng gumanap roon, aside from Michael and Bembol Rocco (we mean, the young Bembol Rocco).

Nang makausap naman ng isang blogger si Michael sa nagdaang birthday concert niya sa Rajah Sulayman Park, tila nakitaan ng nerbyos si Michael.

"Kinakabahan po ako, first time akong maidi-direk ni Joel Lamangan, kaya talagang nakaka-nerbyos po!", sabi ni Michael sa blogger na iyon. "Sa totoo lang po, ayaw ko na sanang gumanap pang muli sa isang stage play dahil mas at home ako bilang isang singer lang, pero si Nanay Jobert, hindi raw niya matanggihan sina direk Joel at ang Gantimpala. Kaya sige po, gagalingan ko na lang and I hope, I won't fail their expectations."

Abangan na lang natin ang mga susunod pang kabanata. Michael Pangilinan always offers us great surprises. Hindi ba?


(sinulat ni robert manuguid silverio)



PAGMAMAHAL, PAGKAKAISA, PAGHANGA AT PAGKALINGA... SA GABI NG CHRISTMAS PARTY NG TEAM GERALD!





Apat na taon na mula ngayon, isang ordinaryong nilalang na ang nakasaksi ng lahat. Kung gaano kamahal ng TEAM GERALD ang isang singer-actor in person of Gerald Santos...

Apat na taon na mula ngayon, naging kaparte na ang ordinaryong nilalang na iyon sa kanilang pamilya. Nakisaya, nakiluha, nakisali sa mga palaro, naki-yakap sa kanilang IDOLO...

Apat na taon na mula ngayon, naramdaman na ng ordinaryong nilalang na iyon ang pagtanggap, pagmamahal, pagkakaisa, paghanga at pagkalinga. Mula sa kanila. At mula rin sa isang binatang nagngangalang RALD.

Apat na taon na mula ngayon, tuwing magpa-Pasko, nabubuo ang mga pangarap niya, lumiligaya siya sa simpleng okasyon na iyon, nagiging kumpleto ang kaluluwa ng Kapaskuhan sa kanya.

Sa isang napaka-simpleng okasyon na punong-puno nga PAGIBIG,. Sa isang simpleng Christmas Party ng mga tagahanga ni Gerald Santos. Taon-taon, mula noon.... hanggang ngayon.

Ang bawat tao ay may mga simpleng pangarap at "wishes" lamang. Mga simpleng hiling na kapag natupad, ay, masasabi niyang kay ganda nga ng mundo. Kumukuti-kutitap.... At nabubuhay muli ang sigla at lakas para lumaban.

Isang grupo ng mga tao ang tumanggap sa kanya, apat na taon na mula ngayon. At sapat na iyon para lumigaya siya.

At sa taong ito, mas lalong naging emosyonal ang lahat, as they all shared their own personal experiences kung paano nila minahal ang isang Gerald Santos.

 Si Ernani de Lima, panay na ang iyak sa umpisa pa lamang ng programa. At tanging siya lamang ang nakapagdala ng mga litrato ni Rald na nasa loob ng kanyang wallet. Tunay ngang mahal niya si Rald.

Si Madamme Sulit Chef, nakupo, talagang napatili pa ng ubod ng lakas nu'ng ikuwento niya na nu'ng malaman niyang si Gerald Santos pala ang bida sa play na panonoorin nila, mula sa imbitasyon ng dating guro ni Gerald sa eskuwelahan, talagang napalundag siya sa sobrang tuwa.

Si Raul Car Uri, pinalakpan ng husto ng lahat ng TEAM GERALD members dahil sa napakaganda niyang mensahe para kay Rald. Sinabi niyang tila isang anghel si Rald, at makikita sa mukha nito ang napakagandang aura at katotohanan...

Si Nanay Bebot, na mula't sapul pa, ay nariyan na para sa buong Team Gerald. Bubusisiin kung sapat ba ang handa nila sa party, kung ano pa ba ang mga kailangan, at malalapitan sa oras ng kagipitan. Siya din kasi ang tumatayong Nanay ng lahat, since siya ang Pangulo ng Team Gerald.

Si Nanay Sally, na laging game na game sa lahat ng parlor games. Laging nagpapasaya at nagpapa-kuwela sa lahat. Napaka-totoong tao, na walang bahid ng kaplastikan sa katawan.

Si Lhynne, na magmula pa noon, wala nang sawa sa pagkuha ng mga litrato kay Rald, at sa pag-upload ng mga videos ni Rald sa mga events nito, na siyang naging daan tuloy upang matuklasan si Rald worldwide and internationally dahil maraming nakakita sa Youtube.Com at sa viral world ng mga vids na iyon ni Rald...

Sina Ate Tess Calayan, Tita Z (Zeny), na laging may mga dalang bonggang mga regalo para sa lahat. Mga regalong tunay mong mapapakinabangan, ite-treasure at mamahalin.

At paano ba malilimutan ng isang ordinaryong nilalang at napakagandang kalooban nina Ate Maritess Soguilon at ng manager ni Rald mismo na si Kuya Cocoy Ramilo? Nariyang ipagbalot pa ni Ate maritess ng ulam na handa ang nilalang na iyon, laging nag-iistima at nag-aasikaso, at, hinding-hindi ka pababayaan. Si Kuya Cocoy naman, makikita mo sa kanyang mukha na halos mapaiyak na siya sa tuwing program proper na. Kinokontrol lang niya ang mga luha niya. Pero damang-dama niya ang pagkakaisa at pagmamahalan ng lahat ng mga taong naroon.

Ito nga siguro ang hinahanap ng isang ordinaryong nilalang na iyon. Ang tunay na SAMAHAN. Isang samahan na may mga simpleng hangarin lamang at taos-pusong pagmamalasakit sa kanilang idolo at minamahal na kaibigan- si RALD.

Sa grupong ito ay nakita niya ang simple at banayad na samahan. At wala na rin siguro siyang mahihiling pa.

May iba rin namang grupo at mga ka-TROPS ang isang nilalang na iyon. At umaasa siyang ang lahat ay maaayos na. Dahil alam naman niyang nagmamalasakit din naman sa kanya ang iba pa niyang mga ka-grupo.

Pero buti na lang at may isang TEAM GERALD na nagbigay ng pagkakataon sa kanya na mapatunayan sa lahat na sinsero naman siya bilang isang KASAMAHAN at KA-"TROPS".

SALAMAT, TEAM GERALD SA ISA NA NAMANG SIMPLENG GABI NG KALIGAYAHAN AT PAGASA.


SA PILING NI GERALD SANTOS.

Sa nagdaang 2016 Christmas Party ng TEAM GERALD.


(sinulat ni robert manuguid silverio)


PHOTOS COURTESY OF MR. GERALD SANTOS






RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...