DELIA LANDAGAN, ANG TOKYO-BASED LADY JOURNALIST NA MALAPIT SA PUSO NGAYON NI NORA AUNOR...


nora aunor and delia landagan: friends forever!
nora: finally finds her true friend
delia: always excited to receive calls from the Superstar
nora aunor: the most famous Bicolana
delia: loves gourmet dishes



Maliit lamang ang mundo at tayo-tayo rin naman ang magku-krus ng mga landasin....

Dalawang Bicolana ang pinagtagpo ng tadhana dahil sa Facebook o Socaial networking sites.

Ang isang Bicolana na iyon, kinilala dahil sa kanyang napakagandang tinig, tinaguriang Superstar ng bansang Pilipinas.

Ang isa namang Bicolana, isang manunulat na nag-ibayong dagat at naging isang matagumpay na OFW sa bansang Hapon.

At ngayon, araw-araw silang nagtatawagan sa chat options ng Facebook. Hindi matatapos ang araw nila kung hindi sila nagkakausap. Vibes na vibes silang dalawa. Halos lahat na yata ng topics under the sun ay napag-usapan na nila.

Dahil parehong Bicolana, marami silang pinagka-pareho sa mga pananaw sa buhay, sa mga gusto at hindi gusto at sa mga paniniwala...

At isang matibay na FRIENDSHIP ang muling nabuo.

Ang Superstar ay sadyang naghahanap ng isang tunay na KAIBIGAN.

Sa wakas, natagpuan din niya ito.

Sila ay walang iba kundi sina Ms. NORA AUNOR, ang Superstar ng Pelikulang Pilipino at si Ms. Delia Landagan, ang Tokyo-based lady journalist.

Maski malayo sila sa isa't-isa sa ngayon, hindi naging hadlang ang mga dagat at bundok sa tunay na friendship na umiigting sa mga puso nila. Salamat sa modern-day technology na tulad ng Facebook.

"Sa pag-uwi ko sa Pilipinas, ang unang-unang bibisitahin ko ay si Ate Guy", sabi pa ni Delia sa isang blogger. "Gustong-gusto ko na siyang maakap, mahipo, muling makita sa personal. Hindi yung puro usapan na lang kami sa FB chat calls or video calls. Iba pa rin 'yung personal na kaharap mo na ang kaibigan mo.

"Isasabay ko na rin ang pakikipag-meet ko sa blogger na si Robert Silverio at kay direk Elwood Perez", dugtong ni Delia. "Bonding-bonding lang kapag may time. Si Robert kasi, kababata ko siya sa Roxas District, Quezon City noon. Kilala ko ang father niyang magazine editor na pumanaw na at ang mga ate niya. Magkakapitbahay kami noon sa Roxas District. Si direk Elwood naman, matagal ko na siyang hinahangaan bilang isang direktor. Kaya gusto ko rin siyang ma-meet ng personal."

Maski ano'ng pilit namin kay Delia na tanungin kung anu-ano ang pinag-uusapan nila ni Ate Guy, wala talaga itong kinukuwento. Ganu'n siya ka-discreet at ka-protective sa friendship niya sa kanyang idolo.

"Alam ko kasing marami nang beses na nasaktan si Ate Guy pagdating sa mga tao kaya ayokong sirain ang tiwalang ibinigay niya sa akin", pagtatapos na wika ni Delia saisang blogger. "Ayoko nang muli pang saktan ang puso ng idolo ko. Iniingatan ko iyon. At sobrang nagpapasalamat ako sa kanya dahil ako ang napili niyang tawagan araw-araw. Nakakataba ng puso talaga. At alam ko rin, handa akong ipaglaban ni Ate Guy."

Nakatitiyak kami, this time around, the Superstar has picked-up the right person to be close to her.
Kaya hihintayin na namin ang pagbabalik mo sa bansang Pilipinas, Ate Delia. Mabuhay!!!!



(sinulat ni robert manuguid silverio)

ACCOLADE GLOBAL FILM COMPETITION GIVES BEST ACTOR AWARD TO RICHARD QUAN IN THE FILM "THE SPIDERS' MAN"....


Richard in a stylish Quarantine-look beard

"Thank you Accolade Global Film Competition for this acting recognition ... congrats team ''The Spiders' Man''- written and directed by Ruben Maria Soriquez (Best Director and Best Supporting Actor winner) ... for now, "The Spiders' Man" is available at Amazon Prime (U.S. territory only)... Soon to be available in Asia."---from RICHARD QUAN..#grateful #actingAWARD #spidersMAN

Richard: a Celebrrity-Hero

Fresh from his daring charitable and heroic acts at the early part of the Covid-19 Pandemic, personally distributing bundles and sacks of relief goods in worst-stricken areas of the Covid-19 Pandemic, actor Richard Quan now receives a great blessing from Up There, that, of winning the Best Actor award at Accolade Global Film Competition.
This brings another great honor for the country. Together with director Ruben Ma. Soriquez and the rest of his co-actors, staff and crew of "The Spiders' Man". it brings upon more awe to the Philippines in which the film was shot a year ago. 
Richard's role in the film "The Spiders' Man" is very delicate and compelling- the character of an Autistic, semi-retardate man with great wisdom and intellect. Surely, one of his hardest roles so far.
Congrats, Richard. A celebrity hero only deserves the BEST.

By Robert Manuguid Silverio
Photos: Courtesy of Richard Quan





FIVE QUARANTINE QUESTIONS with JANAH ZAPLAN


Isa sa mga bets namin na susunod sa mga yapak nina Lea Salonga, Sarah Geronimo at Moira dela Torre ay itong si Janah Zaplan. Lahat ng potensyal at qualities ng isang magaling na singer ay nasa kanya na. Kaya hindi malayong makamit niya ang mas ibayong tagumpay very soon.

Ang maganda pa kay Janah, naipagsasabay niya ang singing and studies. Maski abala pa siya sa pagkanta bago mag-Covid-19 Pandemic, mataas pa rin ang grades niya sa school. Tunay na balanse ang oras niya between work and studies.

Maraming naka-line-up na new singing projects, records and concerts kay Janah right after matapos na ang Covid-19. Kaya tuloy-tuloy pa rin ang mga landasin na tatahakin ni Janah.

So there, di ba Kuya Dencie? Enjoy and cherish below our short Q & A (Question & Answer) interview with Ms. Janah Zaplan!

janah: suki sa ness astilla salon



ROBERT: Janah, ano ang mga bagay na na-miss mo mula nu'ng magkaroon ng ECQ at GCQ sa ating bansa dahil sa Covid-19 Pandemic?

JANAH: I miss a lot of things! Hanging with my friends, going out and traveling without having fear and celebrating special occasions with the people close to me, especially the graduation for our batch.


ROBERT: Bilang isang singer and performing artist, paano mo maipaglalaban na maging masigla pa rin someday soon ang Entertainment Industry?
JANAH: To be honest, the industry is still on going despite everything that's going on because of the technology that we have. It is actually even more active not only music but also different forms of arts and is now seen by people. Artists continuing their passion and craft will make the entertainment scene alive and better in the next years as a lot of people are very talented.

janah: award-winning young singer


ROBERT: Payag ka ba sa "blended learning" na pag-aaral?
JANAH: This blended learning may not waste an academic year but it is not favorable for everyone. That's why for me, I don't support it. Not all people have materials and access to internet that are needed for such learning. Moreover, not all students, even the teachers have a good working environment where they can concentrate, so i don't think it's the best way to learn.


janah on wish.fm


ROBERT: Ano ang mga natuklasan at na-realize mo sa panahon ng Covid-19 Pandemic?
JANAH: This quarantine has been an opportunity for us to reflect on life and one of the realization i have is to spend quality time with the people you love and appreciate them more, answering the 5th question as well. Moreover, it's a time for us to strengthen our faith and hope that everything will be okay by doing action and helping many


ROBERT: Mas tumindi ba ang Passion mo sa pag-awit ngayong may Covid-19 pa?
JANAH: You can say that as I
've been spending my time doing Karaoke and singing there! Hehehe....

janah: perfect in white
janah: the next big star


"PASASALAMAT NI MS. LOVELY RIVERO SA MGA ORGANISASYON AT MGA TAONG TUMULONG AT SUMUPORTA SA KANYA SA KANYANG ADBOKASIYA SA COVID-19 PANDEMIC""


lovely: beauty inside and out
lovely: out of her comfort zone to help others
lovely: her gift of kindness



“God is amazing! Sobrang nakakatuwa! Akala ko patapos na itong ginagawa ko pero hindi pa pala!” Yan lang ang paulit ulit na nasabi ng veteran aktres/host na si Lovely Rivero nung nagpasabi ulit ang Fly Ace Corp sa pamamagitan ng may-ari nito na si Elliz Cochanco ng mag papadala ulit sila ng mga canned good and other food products sa pangalawang pagkakataon para itulong sa mga proyekto ni Lovely na tuloy tuloy nyang ginagawa mula noong umpisa pa ng pandemya hanggang sa ngayon at ito ay ang pag spo-sponsor ng meal services para sa mga frontliners natin sa hospitals at maging sa iba’t ibang sector ng lipunan katulad ng mga kapulisan at militar, guards, displaced drivers at workers, pati mga beterinaryo at taga pangalaga ng mga hayop. 


Isa pang ginagawa n'ya ay ang pamimigay ng mga “Food Care Packages” sa mga musikero at sa komunidad. Nung umpisa ay tahimik lang at walang nakakaalam na ginagawa na ito ni Lovely ngunit nung may nag donate na, naisip nya na kailangan na itong magkaroon ng transparency kaya nag umpisa syang mag post, hindi para ipakita sa mga tao ang dati pa naman na nyang ginagawa, ngunit para ipakita ang kanyang pasasalamat sa mga tao na nag titiwala sa kanya at tumutulong at para malaman din nila kung saan napupunta ang kanilang binibigay. Sa ngayon, kung bibilangin, mula ng mag umpisa si Lovely at ang kanyang munting team, mahigit isang libong meal packs na ang kanyang naluto at na distribute sa mga Frontliners at mahigit kumulang 300 food care packages na ang naipamahagi sa iba’t ibang sector.


 Kaya naman walang sawa syang nag papasalamat sa mga tumulong at nag donate mula noon hanggang ngayon kasama na sila Asec Janneth Ong at ang bumubuo ng One Marikina group para sa mga vitamins at food supplements. Ganun din sila Malou Mariano at ang mga kaibigan nito na kahit nasa Amerika lahat ay nag malasakit sa Filipino frontliners. Isa ang grupo nila sa napakaraming meal service na nagawa. Nandyan din ang “Expose and Express” team donors sa fundraising na ginawa ni Jenny Umali kung kayat lalong lumawak pa ang gawain na ito ni Lovely. 


At sa lahat ng mga nag donate sa kanya ng direkta at nagbigay ng mga bigas na napaka haba pa para isa isahin, ang gusto lang maparating ni Lovely sa bawat isa sa kanila ay ang kanyang walang katapusang pasasalamat. At dahil nangako sya ng transparency sa mga tumulong sa kanya, hiningi namin kay Lovely ang listahan kung saan napunta ang pinag sama-samang donasyon ng mga grupo at indibidwal na ito na sya namang inisa-isa nya. Ngunit hindi pa dito nag tatapos ang kanyang gawain dahil patuloy pa rin sya habang may mga taong gusto mag pahatid ng tulong sa pamamagitan nya sa ating mga frontliners at komunidad, lalo pa at inappoint sya ngayon ng Rotary Club of Makati Dasmarinas bilang Chairperson ng kanilang special committee on Covid 19. Kaya narito ang ilang ospital at grupo na nahatiran ni Lovely at ng kanyang mga donors ng masarap na mga pagkain: 


1. Manila Doctors Hospital (2 times) 2. Philippine General Hospital 3. National Children’s Hospital (2 times) 4. Lung Center of the Philippines 5. East Avenue Medical Center 6. PTV 4 Broadcasters & production crew for their early morning show. 7. Dr. Jose Fabella Hospital 8.Amang Rodriguez Hospital 9. Jose Rodriguez Hospital 10. Rizal Medical Center 11. Ospital ng San Jose Del Monte Bulacan (2 times) 12. Paracelsus Integrative Medical Center (c/o Dr. Arabia) 13. Pasig General Hospital (2 times) 14. Child’s Hope Hospital 15. Ospital ng Paranaque 16. Imus General Hospital 17. Ospital ng Maynila (2 times) 18. Tondo Medical Center 19. Cardinal Santos Medical Center 20. Disease Risk Reduction Management Office (DRRMO) 21. Gat Andres Bonifacio Medical Center 22. Drivers of Metro Manila Subway project & their families. 23. Animal House in Makati. 24. The Reactionary Standby Support Force stationed at the Quarantine facility at the PICC. 25. Random feedings of stranded returning OFW waiting for a way to return to their respective provinces. 26. Random feeding of guards & maintenance workers. 


At para sa mga FOOD CARE PACKAGES at SUPPLEMENTS/VITAMINS na ipinamahagi ni Lovely at ng kanyang team galing sa pinag sama-samang donasyon nila Asec Janneth Ong at ng One Marikina Group (para sa mga supplements/vitamins) at ng may mga mabubuting loob para sa bigas at mga pagkain at ng Fly Ace Corp, napunta yun sa mga displaced musicians/ band members/ live entertainers/ strolling bands sa iba’t ibang lugar, around Metro Manila and nearby provinces. Nag donate din ang grupo nila Malou Mariano ng mga bigas, noodles at canned goods sa Red Cross (QC branch ). 


Ang iba pang food care packages ay napunta sa ilang displaced tv production crew. Meron din para sa ilang pamilya sa Tondo sa pamamagitan ni Joey Ong. May konting cash assistance din sa ilang senior musicians sa pamamagitan ni Andy at Sol Anggulo na nag dagdag pa from their own pockets. Nakapag bigay din ng Vitamins at Supplements sa I am Hope organization at sa RCMD, sa Baguio City care of Pastor Ben Aslor, sa mga senior citizens & pwd ng Payatas, sa barangay ng Singalong at sa Sampaloc Manila at pati sa Sampaloc, Quezon province. 


Nakaabot din ang mga ito sa ibat ibang komunidad sa QC lalo na yung mga nasunugan sa pamamagitan ni Atty Waldo Flores. Nakapag padala rin ng mga supplements sa Bacolod City sa pamamagitan ni Atty. Waldo & Chon Flores at marami pang iba.


 Ayon kay Lovely, kung hindi nga lang daw dahil may mga nag tiwala na nag donate at tumulong ay ayaw na nya sanang ipost pa at pag usapan ang kanyang mga ginagawa dahil marami din naman daw ibang tao na ginagawa rin ang ginagawa nya ng mas higit pa at hanga sya sa mga ito. Ngunit dahil nga sa may mga mabubuting tao na di nag atubiling sumuporta, kaya nya ito nilalahad. Ayon kay Lovely, “their generosity kindness and trust deserve my gratitude, transparency and accountability, no less.”



Blogged by Robert Manuguguid Silverio

Photos Courtesy of Ms. Lovely Rivero, as the photos below shows Ms. Lovely's personal work tasks in her advocacy to help people at the times of the Corona Virus. Photos were not captioned to create a more dramatic feeling.---rms*






"BUHAYIN NATING MULI ANG RAJAH SULAYMAN THEATER!"



Sa palagay namin, ang Rajah Sulayman Theater sa may Fort Santiago, Intramuros, ang magiging SAFEST venue para sa mga theater productions and other artistic presentations sa oras na matapos na ang Covid-19 Pandemic. 


Nabasa kasi namin a couple of days back sa Yahoo News na ang mga INDOOR mass gatherings pala ang talagang HIGH RISK para mahawaan ka nu'ng virus. Based sa isang research, majority daw ng nagkaroon ng Corona Virus ay uma-attend ng isang INDOOR social function o gathering. Kaya doon talaga delikado.
Kaya naisip ko now, kung sakaling magluwag na ang GCQ, mag-isip sana ang mga theater prroductions ng mga NEW VENUES NA OPEN-AIR, kasi 'yun ang safest venues for a theater production if ever payagan na ni Pangulong Duterte na magkaroon na ng mga face-to-face performances ang mga theater companies.


Delikado pa rin ang mga air-conditioned venues dahil hindi lumalabas ang hangin at nata-trap, umiikot-ikot lang ang virus all-over the sealed venue. Maski gaano ka-sosyal ang venue, basta't indoor, LAGOT KA DIYAN!


Kaya naisip ko now, dapat nating buhaying muli ang RAJAH SULAYMAN THEATER, ang pinaka-historical na open-air venue and theater sa buong Pilipinas! Located ito sa Inramuros, the most ancient place in Metro Manila.


Ang Rajah Sulayman Theater ay open-air, pero maski open-air ito, very sozy pa rin ang ambience dahil feeling mo ay nasa Spanish Era ka habang nanonood ng isang play. Ang ambience ng paligid ay very Old Manila, ika nga. Kaya mas lalong magiging artistic and creative ang feeling mo habang nanonood.


Nasa mid-twenties pa kami nu'ng mapasok namin for the first time ang Rajah Sulayman Theater. Doon namin napanood ang stageplay na "BENT (LIHIS)" which starred veteran actor Ricky Davao (batang-bata pa noon si Ricky at fresh na fresh pa, sobrang guwapo!) and directed by Anton Juan. Grabe 'yung ganda ng play na iyon. Kakaiba ang IMAGERY na nilikha nung direktor na nag-complement sa Rajah Sulayman Theater's nostalgic feeling. Ang play na LIHIS kasi ay ukol sa dalawang baklang Hudyo na pinahirapan ng husto sa panahon ni Hitler at ng Nazi's. Sana, ma-restage ito after the Pandemic!


Anyway, Rajah Sulayman Theater is now TEMPORARILY CLOSED. Sobrang nagde-decay na kasi siya, eh. Dapat ma-renovate na, tulad ng ginawa nila sa Metropolitan Theater. Ang pinakahuling theater production na ipinalabas dito ay ang "Ang Buhay Ni Galileo" na produced ng PETA. Pagkatapos nun, naglaho nang bigla ang historical theater venue na ito.


But now, we feel, ang Rajah Sulayman Theater, tulad din ng iba pang open-air theater venues ang siyang sasagip sa mundo ng Teatro. Sila ang dapat pagtanghalan ng mga theater groups nating naghihingalo na ngayon dahil walang VENUE! Kaya sana, once the Pandemic is clear, ayusin muli nila ang Rajah Sulayman Theater.


Bukod sa Rajah Sulayman Theater, may isa pang magandang venue- ito yung Valenzuela City Coliseum sa may Valenzuela, Bulacan. Maganda rin ang venue na iyon at open-air din. Doon namin napanood ang dulang "Daan Ng Krus" na mula sa direksyon ni Jose Jeffrey Camanag.


Yes po, delikado pa rin talagang manood sa mga CLOSED o INDOOR VENUES once the Covid-19 Pandemic is clear. Magtiis po tayo sa mga non-airconditioned venues na tulad ng Rajah Sulayman Theater, para hindi magkaroon ng another "wave" of Pandemic.


Back to the basics muna po tayo. Back to historical places na hindi moderno.


Because, ART IMITATES LIFE, and LIFE IMITATES ART.


Hindi ba?




(sinulat ni robert manuguid silverio)

(video above of rajah sulayman theater, courtesy of Mr. Popoyworxx TV. Thanks.---*)



DEADLINE FOR SUBMISSION TO CCP LITERARY JOURNAL ANI 41 EXTENDED TO JUNE 30



THE Cultural Center of the Philippines (CCP) Intertextual Division is still accepting literary contributions for the 41st edition of Ani, the official literary journal of CCP.

The deadline for submission has been extended to June 30, 2020.

Literary contributions must be emailed at anijournal@yahoo.com.

This year’s edition of Ani will feature multilingual Philippine literary works on COVID-19, Enhanced Community Quarantine, Lockdown, Isolation, Healing and Travel.

Submissions on travel will be published under the special section of Ani together with the travel stories written by Filipinos with disability.

Literary submissions can be written in the form of essay, poem, short fiction and other genres. Submissions may be in Filipino, English, and local languages of the Philippines accompanied with a translation in either Filipino or English.

Submissions must be original and unpublished. There is no page and word limit required but entries should be submitted in PDF format, Arial font (12 pts), double-spaced in 8 1/2” x 11” paper size, with a short bionote of at least 3-5 sentences, photo, home address, contact details, and tax identification number (TIN) of the author.

For Persons with Disability (PWDs) and Persons Affected by Disability (PADs) please submit your entries using the subject line, ANI 41 SPECIAL SECTION.

There is no need to re-submit or re-send literary works that were submitted before the extension of deadline.

For more information, message CCP Intertextual Division Facebook Page or text 09568574562 and look for Erika Antuerfia. You can also send an email at maerikaantuerfia@gmail.com.

Ani 41 will be published digitally and will be distributed online for free.

###

PPO HOLDS ONLINE "INSTRUMENTS PETTING ZOO" STARTING SUNDAY, JUNE 21



violinist christian tan


THE Cultural Center of the Philippines presents the Philippine Philharmonic Orchestra (PPO) in a Musical Instruments Appreciation Series for Children and Families, a virtual "instruments petting zoo" to be held on Sundays, starting on Sunday, June 21 at 4:00 PM, in celebration of Father's Day.  The series focuses on a different instrument every Sunday.  Its maiden session will focus on the violin with featured PPO violinist Christian Tan. 

The series will feature one to two members of the Philippine Philharmonic Orchestra per session who will share to the audience about his/her musical instrument and demonstrate how it is played.  The session also includes a topic on playing techniques, and the performance of pieces by the PPO member.  The series aims to promote among children and families, appreciation for the individual instruments of the orchestra and its music. 

Annually since 2015, the CCP presents "Tricks and Musical Treats, a PPO Family Concert" on the last Sunday of October, with a different theme every year.  This highly successful concert for children and families includes pre-concert activities which includes a trick or treat and an "instruments petting zoo" wherein the PPO member encourages the children to handle his/her musical instrument while he/she demonstrates to them how this is to be played. 

This year, the "instruments petting zoo" will be held every Sunday at 4:00 PM starting on June 21 and is planned to run for several months.  The program is open to the public via Facebook live through the PPO Facebook page. 



VLF 2020 KAPIT PREMIERES ON JUNE 10, TO BE STREAMED ON VIMEO



THE Cultural Center of the Philippines, Tanghalang Pilipino and Writers’ Bloc believe that storytelling must continue and present the special edition of Virgin Labfest, the theater festival of untried, unstaged and untested works, on June 10 to 28, 2020.

Dubbed VLF 2020 Kapit, 10 main featured plays, as well as staged readings and revisited plays will have their live online performance premieres on the first week of the festival, starting June 10. Live performances are free; watch them on CCP FB live. 

The ten featured works are: “Doggy” by Dustin Celestino, directed by Roobak Valle; “Pilot Episode” by Floyd Scott Tiogangco, directed by Giancarlo Abrahan; “Dapithapon” by Jay Crisostomo IV, directed by Sigmund Roy Pecho; “Papaano Turuan ang Babae Humawak ng Baril” by Daryl Pasion, directed by Erika Estacio; “BlackPink” by Tyron Casumpang, directed by Jethro Tenorio; “Multiverse” by Juliene Mendoza, directed by Fitz Edward Bitana; “Titser Kit” by Jobert Grey Landeza, directed by Adrienne Vergara; “Mayang Bubot sa Tag-araw” by Mark Norman Boquiren, directed by Mark Mirando; “Gin Bilog” by Luisito Nario, directed by James Harvey Estrada and Anthony Kim Vergara’s “The Boyboy and Friends Channel” directed by Joshua Tayco.

The Revisited Plays include: “Fangirl” by Herlyn Alegre, directed by Charles Yee; “Anak Ka Ng” by U Z Eliserio, directed by Maynard Manansala; and “Wanted: Male Boarders” by Rick Patriarca, directed by George De Jesus III.

Catch the Staged Readings: “Jenny Li” by Buch Dacanay, directed by Nour Hooshmand; “Dominador Gonzales - National Artist” by Dingdong Novenario, directed by Bunny Cadag; “Matira ang Matibay” by Bernice Dacara, directed by Alon Segara; “Bagahe” by Nicko de Guzman, directed by Joel Saracho; and “Mongoloida’s Casa de Pun” by Claro delos Reyes, directed by Guelan Luarca.

For full schedule, check out the CCP website (www.culturalcenter.gov.ph), CCP official social media account in Facebook, Instagram and Twitter. You may check also Tanghalang Pilipino and VLF pages. 

The recorded version will be streamed on Vimeo website and/or app beginning June 14 to 28. To create a Vimeo account, just go to vimeo.com/ondemand and join. Once you click the button, register with your email or join with your Gmail account. Select the account (BASIC, PRO, PLUS, BUSINESS, and PREMIUM) you want. 

Once your account is set up, you may now search for Cultural Center of the Philippines or VLF Kapit, and browse through the page to read the full description, watch the trailer, and make a PURCHASE. 

While a Basic account will enable Vimeo users to watch and enjoy videos, the festival offers series packages you can choose. The Regular Series Package, priced at Php 100, includes VLF 2020 KAPIT productions (10 new featured works, 3 “revisited plays,” and 5 staged readings); while the Premium Series Package, costs Php 200, includes all performances plus LAB UP CLOSE: INTERVIEWS WITH PLAYWRIGHTS AND DIRECTORS, & DESIGNERS; LAB SCENES: BTS FOOTAGE; and other exciting content. These exclusive features are add-ons to the featured plays and staged readings.

To purchase, go to https://vimeo.com/ondemand/vlf2020kapit or https://vimeo.com/ondemand/vlf2020kapitpremium. Check CCP Facebook page for instruction on how to make purchase.

Don’t forget to join the other major components of the theater festival. Be part of the FREE session of the PLAYWRIGHT’S FAIR and CoLab, the discussions with collaborators (including festival directors, designers, stage and production managers, and directors). 

Join the online ’Tambayan’ (Hangout place) at Facebook (https://www.facebook.com/groups/VLFTambayan/) for conversation or interaction with the VLF artists and staff.

SWORDSHINES10's LIST OF 20 BEST CROSSOVER FILIPINO FILM ARTISTS (my personal choices).....





Humingi muna kami ng permiso kay Ginoong Oliver Oliveros ng Broadwayworld Awards para maisulat itong aming sariling listahan ng BEST CROSSOVER ARTISTS, Ang Best Crossover Artist kasi ay isa sa mga award category sa nasabing online award-giving body. At para sa amin, ang award category na iyon ay napakaganda, pambihira, tunay na nagmamarka sa panlasa ng bawat Filipino entertainment artist. Kaya sa pahintulot ni Mr. Oliveros, naisipan naming gumawa ng aming listahan para sa 20 BEST CROSSOVER FILIPINO FILM ARTIST.

Naalala pa namin, last year, isang manager ng isang magaling na male artist ang gustong-gustong makamtan ang award (ang Best Crossover Artist award nga ng Broadwayworld.Com) na iyon para sa alaga niya. Napaka-prestigious daw kasi, very 'arty' and classy ang dating. At ibang-iba ang dating ng award daw na iyon. Gustong-gusto niya talaga! Kaya lamang, online voting 'yun at very strict ang rules ni Mr. Oliveros, walang palakasan. Maski pumapel pa ang isang kaibigang blogger ni Mr. Oliveros ay sadyang kailangang bumoto para makuha ng manager ang award na iyon para sa kanyang alaga. Ganu'n katindi ang pagnanasa ng mga managers ng mga artists na makuha ang award na iyon para sa mga alaga nila. Maganda kasi, eh.

Anyway, what is a CROSSOVER ARTIST ba? Ito ang mga performing and entertainment artists na nagawang TUMALON sa ibang medium of entertainment. For example, isa kang mainstream artist/actor na nagawang lumundag papuntang Teatro. O kaya, mula ka sa indie films na nagawa namang maka-land sa Maintream showbiz.

Pero itong aming list, ginawa naming GENERALIZED. Hindi pang-artista lang o pang-aktor lang, ika nga. Isinali rin namin sa aming Top 20 list ang ilang mga direktor o iba pang klase ng mga film artists sa aming "Crossover List". Sila 'yung mga nag-TRANSFORM at nagmarka ng matindi. Tipong nag-"out-of-the-box". Matagumpay na nakaalis sa mala-kahon na packaging sa kanila ng kani-kanilang mga managers.

Ang choices po namin ay nagba-VARY. Depende sa aming sariling panlasa. At may explanation naman po kami kung bakit sila ang aming CHOICES.

SO HERE THEY ARE. OUR OWN CHOICES OF 20 BEST CROSSOVER FILIPINO FILM ARTISTS!!!

nora

1.) NORA AUNOR-  'Yung transformation niya mula sa pagiging isang phenomenal Tawag Ng Tanghalan grand champion patungo sa pagiging isang dakilang aktres ng Philippine Cinema ay kakaiba. Crossover talagang masasabi. At mula sa mainstream showbiz, napatunayan din niyang may "indie spirit" din siya nu'ng gawin niya ang mga pelikulang "Taklub" at "Thy Womb" sa direksyon ni Brillante Mendoza. At kamakailan lang, napatunayan pa niya ng husto na puwedeng-puwedeng pa rin pala siya sa Teatro nu'ng gawin niya ang isang Monovlog para sa Tanghalang Pilipino. For your information, nu'ng 1990's pa lang, sumabak na ang ating Superstar sa mga stageplays sa PETA, mula sa direksyon ng yumaong si Soxy Topacio (R.I.P.)- ang "DH" at "Minsa'y Isang Gamu-Gamo" play adaptations.

johnlloyd

2.) JOHNLLOYD CRUZ- Talagang nag-"out-of-the-box" si JohnLloyd sa pelikulang "Ang Babaeng Humayo" na mula sa direksyon ni Lav Diaz. Bagay na bagay ang term na 'Crossover' kasi naka-damit pambabae si JohnLloyd sa kabubuuan ng pelikulang iyon. Malayo sa 'matinee-idol' type o mainstream charms, nagawa ni JohnLloyd na patunayan sa lahat na isa talaga siyang seryosong aktor. Sa pelikulang "Honor Thy Father" naman ni direk Erik Matti, mas matindi din ang pag-crossover niya. Hanep na hanep si JL sa pelikulang iyon. Bravo, JL!

sigrid

3.) SIGRID ANDREA BERNARDO- Mula sa mundo ng indie films, isang great transformation o crossover din ang nilikha ng babaeng direktora na ito- via the film "Kita-Kita" na naging isang big and surprising box-office hit. Kakaibang klase ang napatunayan ni direk Sigrid sa lahat- na maski hindi pang-mainstream ang mga bida niyang sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez, isang dakilang commercial film with quality and classic touches ang nailikha niya!

michael

4.) MICHAEL PANGILINAN- Sayang na sayang si Michael, talagang mas pinili niya ang mai-stock na lamang sa mundo ng singing, gayung nasa kanya na ang lahat ng qualities para maging isang Best Crossover Artist magmula nu'ng lumabas siya sa dulang "Kanser" ng Gantimpala Theater Foundation, at may isa pa after that na isang musical play din na mula naman sa Tanghalang Pilipino (na kung saan ay sa Cultural Center of the Philippines pa nga itinanghal ang musical play na iyon). Maski hindi nagtuloy ang karera niya sa Teatro at indie films, well, gayunpaman, isinali pa rin namin si Michael sa list na ito at napunta sa Number 4 Top List pa nga, dahil sa tindi ng impact na nagawa niya. Maraming direktor sa teatro at indie films ang nabitin kay Michael. Gustong-gusto talaga siyang kunin ng mga ito. At sobrang panghihinayang din ni direk Joel Lamangan nu'ng hindi matuloy si Michael sa musikal na dulang adapted sa isang classic film- ang "Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag: The Musical". Doon na sana magtutuloy-tuloy ang mahabang transpormasyon ni Michael patungo sa pagiging isang seryosong aktor na may lalim at intensity. Sobra kasi yatang nagmukhang-pera ba ang isang ex- manager niya noon??? Nagtatanong lang po. Sayang talaga, eh!

noel

5.) NOEL COMIA, JR. - Napakaliit pa ni Noel nu'ng lumabas siya sa The Voice Kids 2016. And from thereon, napakalawak na agad ng paglipad at pag-soar ng maliit na si Noel sa mundo ng mga artistikong mga bagay sa mundo ng pelikula, telebisyon at Teatro!!! Nakakamangha talaga. At siya din ang kauna-unahang child actor na nanalo ng Best Actor award sa Cinemalaya. Lubos din siyang sinamba ng karamihan sa pagganap sa papel na Basilio sa "Noli me Tangere, The Opera". A real CROSSOVER film artist!

tita fanny

6.) FANNY TF SERRANO- Tahimik lang si Tita Fanny, pero napakalaki talaga ng nai-contribute niya sa Sining ng pelikula at Teatro. Naaalala pa  namin, maliit na bata pa kami ng imbitahin kami ng ninong naming si Orlando R. Nadres (R.I.P.), ang may akda ng dulang "Hanggang Dito Na Lamang At Maraming Salamat". Si Fanny agad ang nag-marka sa amin sa dulang iyon dahil ginampanan niya ang transvestite na kaibigan nu'ng bidang introvert gay naman. Napakagaling ni Tita Fanny sa dulang 'yun so many years ago! Pero nag-transform pa si TF sa pagganap sa mga pelikula at telebisyon. Ang isang dakilang indie film naman na ginawa niya mula sa direksyon ni direk Neal Buboy Tan- ang pelikulang "Tarima", ay masasabing isang modern-day film classic. Sana maipalabas muli ang pelikulang iyon. Imagine, mula sa pagiging isang Make-Up artist, napakalawak ng CROSSOVER na ginawa ni TF sa mundo ng Performing Arts!


celeste

7.)  CELESTE LEGASPI- Mula sa pagiging isang simple at sikat na veteran singer, nagawa niyang mag-soar higher pa at higit pang mag-crossover nu'ng i-produce niya at pagbidahan ang musikal na dulang "Katy". It was, indeed, one of the greatest crossovers we ever saw in our entire life. Dahil pagkatapos ng dulang "Katy", nag-trendset ng husto ang mundo ng Teatro. Duon kasi higit pang napatunayan ni Celeste ang pagiging dakilang anak ng Sining niya. Lumabas din siya sa pelikulang "Mamang Sorbetero" kasama si Joseph Estrada. Nag-transform din siya doon.

jm

8.) JUAN MIGUEL DE GUZMAN- He is the finest example of a handsome kid from the theater world who was able to penetrate the mainstream showbiz, magmula nu'ng kontratahin siya ng ABS-CBN channel 2 na maging artist nila. And JM's crossover served as an inspiration to those who followed suit. In case you don't know yet, sa prestihiyosong Dulaang U.P. nagmula si JM.

gian

9.)  GIAN MAGDANGAL- Napaka-low key ng singer-actor na ito ever since, pero gustong-gusto namin siya, Nagsimula siya sa isang talent search ng channel 5 noon at nag-land as among the finalists. From thereon, napunta na siya sa mundo ng Pop singing. Pero kahanga-hanga ang nagawa niyang transformation patungo sa mundo ng Teatro. Marami ang pumuri sa kanya sa mga dulang "Katy" at "Ang Huling El Bimbo, The Musical".

joel

10.) JOEL LAMANGAN- Grabe ang pagiging isang Crossover film artist ng Master film director na si Joel Lamangan. Yung pag-ta-transform na madalas niyang nagagawa at nakakamtan- mula sa Mainstream patungo sa indie world at mula sa pagiging isang direktor patungo o pa-biyahe-biyahe pabalik-balik sa pagiging isang aktor din ay kahanga-hanga talaga. Gustong-gusto namin siya sa pelikulang "School Service", kung saan ay isang kakaibang karakter ng aktor ang ginampanan niya doon. Isa iyong Cinemalaya film entry a few years back.

joem

11.) JOEM BASCON- Saludo kay Joem Bascon, dahil tunay na kahanga-hanga ang ginawa niya sa indie film na "Double Twisting, Double Back", isang Cinema One Originals film entry a couple of years back at kung saan ay nanalo siya roon ng Best Actor award sa Famas. If you happened to watch the Director's Cut of the said film, mamamangha ka sa transformation ni Joem sa movie na iyon- na maski nagmula siya sa mainstream field of acting, nagawa niyang maghubad ng todo-todo sa isang indie film. Pambihira ang mga aktor na tulad niya!

carizza

12.) CARIZZA CORTEZ- Isa pang napaka-low key na aktres ni Carizza, ang anak ng beteranong aktor na si Rez Cortez. Kasi, minamani lang niya ang ruta pabalik-papunta sa indie world, sa teatro at sa mainstream field of acting. Mabili siya sa mga indie films, sa mga TV drama teleseryes portraying character roles, at sa mundo ng teatro. A real crossover artist!

abra

13.) ABRA- Kakaiba rin ang isang ito. Mula sa pagiging isang sikat na rapper, nagawa niyang mag-transform patungo sa indie film world- via the much-acclaimed Cinemalaya film na "Respeto". Titignan mong mukhang batang maliit si Abra, pero ang pagiging isang Crossover artist niya ay hindi maipagkakaila.

jeffrey

14.)  JEFFREY HIDALGO- Napakaliit pa ni Jeffrey Hidalgo nu'ng mapasama siya sa singing group na Smokey Mountain (na nagkaroon ng viral reunion these days para sa mga musical tributes nila sa Covid-19 Pandemic) and among all the members of the group, si Jeffrey talaga ang tumahak sa landasin ng pagiging isang tunay na Crossover Artist. Nag-direk siya ng indie films, napunta rin sa mundo ng teatro at TV. Kahanga-hanga talaga.

roeder

15.) ROEDER CAMANAG- Awesome. Ito ang katagang masasambit namin kay Roeder Camanag. isa siyang matinee-idol type of a singer nu'ng una siyang pumasok sa showbiz. Nagkaroon ng mga record albums and many concerts. Pero iniwan iyon ni Roeder at tumawid sa kabilang linya- patungo sa pagiging isang magaling na theater actor and director. Nu'ng mapanood namin siya sa mga dulang "El Filibusterismo" ng Gantimpala, at "Daan Ng Krus" ng Teatro Mensaheros, nai-personify niya sa aming diwa at kamalayan ang isang tunay na kahulugan ng pagiging isang Performing Artist. Si Roeder din ang isa sa mga may-ari ng Artist Playground.

lance

16.) LANCE RAYMUNDO- Tulad ni Roeder, ganu'n din ang daang tila tinatahak ngayon ni Lance Raymundo. Si Lance kasi, maski nasa mundo ng singing and acting magpasa-hanggang ngayon, ay kay daling mag-crossover papunta naman sa mundo ng indie films at Teatro. Kaya masasabi rin naming isang magaling Crosoover Artist si Lance. Kahanga-hanga siya sa Senakulong "Martir Sa Golgota" ng Tanghalang Sta. Ana.

dulce

17.)  DULCE- Gustong-gusto namin siya sa isang bersyon ng dulang Katy na kung saan ay gumanap siya bilang isang papalaos nang aktres sa entablado.  Nagulat talaga kami na puwede rin pala si Dulce sa mundo ng teatro, kasi sobrang umiigting ang imahen niya bilang isang veteran Pop Singing Diva. Ang nagawa ni Dulce ay isang kakaibang crossover talaga!

ricky

18.)  RICKY DAVAO- Isang prominenteng theater actor muna si Ricky Davao bago siya naging isang film actor. Hindi namin siya malilimutan sa dulang "Bent" ni Anton Juan nu'ng kabataan niya, at naghubad pa siya ng todo-todo sa dulang iyon. Naging campus hearthrob din siya sa San Sebastian College. Pero magmula nu'ng mabigyan siya ng yumaong direktor na si Maryo J. delos Reyes (R.I.P.) ng breaks sa pelikula, nagtuloy-tuloy na ang pagiging isang beteranong film actor niya. Tunay na magaling na crossover artist din siya.

richard

19.) RICHARD QUAN- Isa ring matinee-idol type si Richard Quan nu'ng kabataan niya at nadiskubre siya sa isang pelikulang dinerehe ni Carlos Siguion-Reyna na pinagbidahan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta. Magmula nuon, kinontrata siya sa Viva Films at tumalon din siya sa mundo ng indie films soon after that. Nagka-character roles din sa mga TV drama teleseryes magpasa-hanggang ngayon. Kaya naman, tunay din siyang crossover artist. Pero ang hindi nalalaman ng lahat, napasabak din pala si Richard sa mundo ng teatro. May mga ginawa siyang stageplays sa PETA, at isa na rito ang remake version ng klasikong dulang "Hanggang Dito Na Lamang at Maraming Salamat" sa papel nu'ng binatang naging object of desire ng isang matandang gay introvert.

sue

20.) And last but not the least is, SUE RAMIREZ- Yes po, tunay kaming pinahanga ni Sue Ramirez sa pagiging crossover artist niya, na pinatunayan niya via the film "Cuddle Weather". Imagine, mula sa isang very wholesome mainstream artist ng Abs-Cbn channel 2 ay naging very daring naman siya sa pelikulang "Cuddle Weather"! What a great crossover, di ba? May isang eksena pa sa pelikulang iyon na hindi mo talaga masasabing mainstream dahil indie na indie talaga ang formula-, at 'yun ang eksenang nakahiga siya at nakahubad at tapos, puno ng pagkain ang katawan niya all over her naked body! Oh. my. Magagawa ba iyan ng isang ordinaryong mainstream actress, aber? Kaya bravo, Sue Ramirez!


****************   **************   **************

SO THERE. IYAN PO ANG AMING LIST OF "20 BEST CROSSOVER FILIPINO FILM ARTISTS". SANA SA PANAHON NA ITO NG COVID-19 PANDEMIC AY MAGSILBING INSPIRASYON SILANG LAHAT SA MGA ASPIRING FILM ARTISTS. Sabi nga nila, kapag ang isang bagay ay pinipigilan mong lumabas, lalong magwawala, lalong maiipit ang "creative juices" nila. Kaya tiyak niya, after this Pandemic, sobrang marami sa ating film artists ang mas gagaling pa at mas magmamarka. Mabuhay kayo!!!!




COMPILED AND WRITTEN BY ROBERT MANUGUID SILVERIO

(Photo credits belongs to the real owners of the pictures above, as we Googled them on the net. Thank you.---rms*)
video above, courtesy of #tugtog tulong para sa bayan by Agsunta band, as posted on Youtube.Com. Thank you.---***


RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...